*Franco's Mansion*
Clarice' (POV)Di ko akalain bibigyan nya ko ng Pov dito.
Hi, Im Clarice Faye Franco, Spoiled Brat, 26 years old and never akong nag trabaho, ang yaman ko kaya. Grumaduate ako sa University of Santo Tomas taking up dermatologist. Pero dapat sa Harvard ako mag-aaral.*Tanghalian, sa Hapag kainan*
"Papa, pwede ba pag nanganak ako, mag handa tayo and gusto ko ung mga sosyal na tao lang ang iinvite mo" sabi ko sa papa ko, kumakain kami ng lunch, kare-kare at sinigang na hipon ang ulam.
"Walang problema Iha, basta siguraduhin mo na yang ama ng batang dinadala mo e pakakasalan ka."Yan ang papa ko, Lahat ng kailangan at gusto ko gagawin nya mapasaya lang ako, sayang nga at wala na si Mama, hindi na nya naabutan ang apo nya. Nag-iisa lang akong anak kaya lahat ng gustuhin ko nasusunod. At ni minsan di ko naranasang hindi ako sundin ng mga tao sa paligid ko or mag disagree sila sakin. Buntis ako ngayon 4 months, Si Albert Tristan Maverick ang ama ng dinadala ko. Well lahat ng gusto ko nagiging akin. Since elementary kilala ko na si Albert, ultimate crush ko kasi nya, classmate kami ni Albert elementary hanggang High School, and kaya sa USTE ako nag aral dahil din sa kanya mag kaiba nga lang ang course namin kaya di ko na sya classmate. Gwapo si Albert walang babae ang hindi mahuhumaling sa kanya. Naging Basketball player pa ng school namin, kaya yung mga babaeng nagkakagusto kay Albert inaaway ko, binabalaan ko sila na kapag ni-flirt nila si Albert ipapakain ko sila sa buwaya. Nagkahiwalay lang kami ni Albert nung Graduation na, Hindi ko na sya nasundan kung sang lupalop man sya nag punta. Kasi naging busy ako sa pag aalaga kay Mama.
After a year nakita ko ulit sya.*Flashback*
5 Months ago, disinasadyang nakita ko sya sa isang bar sa Makati. Hindi parin mawala ang paghanga ko sa kanya kahit ilang taon ko syang di nakita. Tinitignan ko lang sya habang nagsasayaw. Nagulat ako ng bigla syang lumapit sakin.
"May I dance with you?" sabi nya,
"Sure" Pumunta na kami sa dance floor, nahalata kong lasing na sya, kasi kung sinu-sinong babae nalang ang hinahaltak nya sa dance floor. Kahit yung may mga date na, kinukuha pa nya, hanggang may sumuntok sa kanya. Hinila mo sya palabas ng Bar.
"Ano ka ba Albert," sabi ko sa kanya paglabas namin
"Oh. kilala mo ako miss??"
"Yeah, since birth." sabi ko sa kanya
"Huh.?" Pinunasan nito ang labi nyang may dugo. Nakatingin lang ako sa kanya.
"Umuwi ka na nga lasing na lasing ka e san ka ba nakatira?" sabi ko kay Albert. Tinignan nya ko mula ulo hanggang paa.
"You're beautiful, what's your name?"
"I'm Clarice" hay lasing nga talaga to.
"So, Clarice, I want to go in your place"
"Oh. I want it Albert. I really want it... shall we?" pag fliflirt ko sa kanya.
"Nah. Spoiled brat" So kilala pa nya ako.
Sa Makati lang din naman kaya saglit lang ang byahe at kaya ko pa naman mag maneho. Pagdating namin, binigyan ko agad sya ng vintage ice bag.
"Lagay mo sa panga mo ng mawala ang pamamaga."
"Salamat"
"Ano gusto mong inumin?" tanong ko sa kanya
"Champagne"
"Nubayan alak parin nasa isip." Inabot ko sa kanya ang kopita na may lamang alak, Tinignan ko sya, ang mas gwapo sya ngayon kesa noon. Nangingibabaw ang scent ng perfume nya kahit amoy alak sya.Umupo ako sa tabi nya. Ilang sandali lang ang lumipas, bigla nya akong nasukahan.
"Oh.. @#$%! kadiri ka. bakit mo ako sinukahan" sigaw ko kay Albert.
"I'm sorry," nasukahan nya ko sa damit. my gosh, dali dali kong hinubad ang suot kong damit :O nakalimutan kong may kasama akong lalaki, underwear lang ang natira, my gosh. bigla akong napatingin kay Albert, nakatitig sya sakin, Nakatitig sya sa mukha ko? Hindi sa katawan ko. TokwatBaboy naman oh, Aalis na sana ako, pero bigla akong hinaltak ni Albert and He kissed me deeply in my lips, Naparabang uhaw na uhaw sa bagay na yun. For short may nangyari samin ni Albert.
*end of flashback*
After namin mag lunch, umakyat na ako sa kwarto ko. Nanalamin ako hindi pa naman masyadong halata yung tyan ko. I checked my cellphone. May nag text pero number lang.
"Clarice? this is Polly if you don't know me. Gf ako ni Albert. I just want to say, please take care of him. love him. he is all yours. be happy and safe.. goodbye. :)"He is all yours.! Nakuha ko nanamn kung ano ang gusto ko. Is she is serious?? Nag reply ako sa kanya.
"Yes. this is Clarice. SERYOSO KA BA SA MGA SINSABI MO?" ilang saglit lang at nag reply sya.
"I am." Napasigaw ako, nagtitili ako, nagtatalon sa sobrang saya. Wala akong paki kung ano nag sabihin nila basta masaya ako. Ang pagkakatili ko ay dinig pala sa boung bahay.
"Iha! Ano ang nanyayari sayo?" nagulat ako kasi sina Papa, nasa loob narin ng kwarto ko,
"Abay Señorita, sa inasal mo e, daig mo pa ang nanalo sa lotto kung maka tili ka" sabi ni manang Bela, na sa pagkakaalam ko naghuhugas ito ng plato sa kusina. Pati si Manong Edward na hardenero namin.
"Pa, may natanggap lang akong magandang balita. Sige pa, labas na kayo maliligo na ako." Pinalabas ko na sila sa kwarto ko and ni-Lock ko na din ito. Dali-dali akong nagayos ng sarili ko pupunta ako sa condo ni Albert.Albert' (POV)
*Sa Condo parin*
Pagkaupo ko sa sofa, biglang may kumatok sa pinto.
"Polly?" Pagbukas ko ng pinto si Polly nga, inabot sakin ung susi.
"Nakalimutan kong isuli" Pagkasabi nun umalis na ulit ito.Bumalik ako sa pagkakaupo sa sofa, nakita ko yung box na sinasabi ni Polly, Pagkabukas ko nakita ko ang mga regalo ko sa kanya, yung rubber shoes, make-up kit. mga accessories,
"Ano pang gagawin ko dito puro pambabae lang naman ito." Pagtayo ko para pumunta ng kusina, may kumatok ulit. Pagbukas ko ng pinto, mangongolekta pala ng basura, akala ko si Polly.
"magandang tangali sir. Wala ako sa mood para sagutin ang pagbati nya.
Kinuha ko yung mga basura at binigay ko narin sa kanya ung box and backpack narin.
"Bigay mo sa Girlfriend mo" sabi ko sa boy.Mga ilang oras lang ang nakalipas may kumakatok nanaman sa pintuan ng condo ko. SIno naman kayo to. Pagbukas ko si Clarice.
"What are you doing here" bungad ko sa kanya, galit ako sa babaeng ito, She's one of the reason kung bakit nakipag break sakin si Polly kanina.
"Visiting you my dear," nag pout ito. bwiset talaga tong babeng to.
"Umuwi ka na wala ka namang gagawin dito." sabi ko sa kanya at iniwan ko na sya pinto.
"Wala na pala kayo ni Polly?" biglang tanong nito, pumasok parin ito sa condo ko kahit pinapaalis ko na sya. So pano nya nalaman.
"Pano mo nalaman? Masaya ka na ba?" Panguurat ko sa kanya. pumunta ako sa kusina
"Sa kanya mismo, Oo.. masayang masaya ako. dahil wala ng hadlang sa pagpapakasal mo sakin at, hindi ka nadin makakaurong,, kilala mo si Papa Albert." Sumunod ito sakin sa kusina, at bigla akong niyakap sa likod. "Kilala mo si Papa, Albert.. Kung ayaw mong may mangyaring masama sa kanya pakakasalan mo ako." bulong pa nito sa tenga ko habang nakayakap, nanggigigil ako sa galit sa babaeng ito kung pwede ko lang tong saktan matagal ko ng ginawa.
"I'll marry you. pero tandaan mo kahit kelan hindi magiging sayo nag puso at kaluluwa ko." Inalis ko ang mga kamay nyang nakayakap sakin at lumabas ako ng condo.
BINABASA MO ANG
Lovers Under the Moon
De Todo*Do not read* This is about Polly. A girl who wants to have a perfect relationship. After breaking up with Albert. Magbabakasyon muna sya sa malayong lugar to forget everything, para maka-move on narin. On the way na sya sa resort ng may bumunggon...