Prologue

122 8 2
                                    

"Mauna na po kami Ginoong Frank," "Maraming salamat po sa araw na ito Ginoong Frank! Maraming salamat din po sa masarap na egg sandwich Ginang Theresa, kitakits!" ang paalam nina Keanne at Valerie sa kanilang music instructor na si Frank at sa asawa nitong si Theresa matapos ang dalawang oras nilang music class.

"Oh siya, mag-ingat kayo pauwi mga bata!" tugon naman ng mag-asawa.

"Mahusay talagang magturo si Ginoong Frank ano Keanne? Ang galing mo nang tumugtog ng violin eh," puri ni Valerie sa kasama nitong si Keanne.

"Sinabi mo pa! Well, ikaw din naman ah. Parang hahalikan mo na nga yung piano sa pag ganun ganun mo ng daliri mo oh," tugon naman ni Keanne habang ginagaya ang pag galaw ng mga kamay ni Valerie kapag tumutugtog ng piano.

"Hahaha! Para ka namang momo nyan sa galaw mo!" tumatawang sabi ni Valerie.

"Mas maganda zombie! Teng neng neng... Hahaha!" banat naman ni Keanne.

Masayang nagtatawanan ang dalawang bata habang naglalakad.

"Keanne, sana palagi tayong magkasama mag perform," malungkot na pahayag ni Valerie.

"Syempre naman. Hanggang mag big na tayo, tayo parin magkasama mag peperform!" sagot naman ni Keanne. Nahalata nito ang malungkot na mukha ng kasama. "Is there a problem Valerie?" tanong niya.

Tumigil sa paglalakad si Valerie. Tinignan niya si Keanne sa mga mata.

"Keanne, our family will be moving to Makati. Doon na daw ako mag-aaral. Hindi ko alam kung kailan kami babalik," naiiyak na sabi ni Valerie.

"Ssssshhhh. That's fine." Keanne patted Valerie's head. "Wala na tayong magagawa. Were are not grown-ups yet kaya kailangan pa rin nating sumunod sa parents natin," malungkot naman na sagot ni Keanne. "Uhhhhm, if that's the case, can you make a promise instead Valerie?"

"Okay what's that?" sagot naman ni Valerie.

"Promise me na after 8 years, kahit na malayo tayo sa isa't isa, kahit gwapo na ako, kahit zombie ka na, kahit magunaw na ang mundo---"

"Keanne ano ba?!"

"Hahaha. Joke lang! Ganito, after 8 years promise me that---"

Hindi na natapos ni Keanne ang sinasabi nang...

**********

"Zoooom!"

It was 9:30 in the evening at isang nakakabinging tunog mula sa matulin na takbo ng puting SUV na sinasakyan nina Keane at ng ama nito ang tanging maririnig sa tahimik na sulok ng Carmen, Cotabato City.

"Keanne, anak gumising ka!"

Narinig niya ang boses ng kanyang ama na kahit seryoso ay halatang nangangamba.

"Pa, ang ganda nung panaginip ko oh! Naman eh. Ano po ba ang problema pa?" tanong ni Keanne sa ama.

"Wala, but I want you to be alert!" sagot naman ni Ray sa anak.

Tumingin si Keanne sa bintana. Naguguluhan man sa mga pangyayari, pinilit niyang inalala ang kaninang panaginip na naputol.

"That day with Val. That promise. Palagi ko talagang napapaginipan yun. Hays, kumusta na kaya siya? I'm 13 now. Ilang taon na nga ba ang nakalipas mula ng araw na iyon, 4?"

"Zooomm!"

Pagaray garay na ngayon ang kanilang sasakyan sa daan. Kahit mahusay sa pagmamaneho si Ray, bakas pa rin sa mukha nito ang hirap sa pag kontrol dito. Mga gulong nito'y tila ba sumisigaw! Tila ba humihingi ng tulong mula sa mga puno at insektong nagtatago sa paligid.

I Don't Believe That My Father Is Already DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon