Chapter 2: A Chase in the Middle of Nowhere

66 8 0
                                    

"Nasaan si Samuel at ang bata?" galit na tanong ni Ray sa lalaking nasa kanyang harapan.

"Sabihin mo samin kung hindi, ipuputok ko to!" sigaw pa niya.

Hindi nagpakita ng kahit maliit na takot ang lalaki. "Huli na kayo. Nakatakas na si boss kasama ang bata," sagot nitong naghahabol ng hininga.

Ilang sandali pa at bumulwak ang maraming dugo mula sa bibig nito at humandusay na sa sahig.

"Let's go Ray! I'm sure he isn't far yet," tugon ni Paul sa kasama.

Agad na pinaharurot ng dalawa ang sinakyang SUV at iniwan ang bodega kung saan tumba lahat na kalabang lalaki.

Sa hindi kalayuan ay nakita nina Paul at Ray ang mabilis na takbo ng sasakyan ni Samuel.

"Ayun!" turo ni Ray sa kasamang si Paul na nagda-drive.

Isang matinding maneuver ang ginawa ni Paul tsaka bumwelo ng takbo.

"Zoooooomm!" "Zooooooom!"

Napakatulin ng takbo ng dalawang sasakyan. Tila ba nasa karera ang mga ito.

Maya maya pa, nakabuntot narin sa wakas sina Paul at Ray sa sasakyan ni Samuel.

Ngunit, sa kalagitnaan ng habulan, may napansing kakaiba si Paul sa takbo ng hinahabol na sasakyan.

"Ray, napansin mo ba, menor ng menor ang sinasakyan nina Samuel, yang sinusundan natin? Kanina lang humaharurot yan eh," nagtatakang tanong ni Paul sa kasama.

Napansin din ito ni Ray ngunit hindi na ito gaanong pinansin swerte pa nga niya dahil sa ganoong paraan, mas madali niyang magagawa ang kaniyang plano.

Patuloy sa habulan ang dalawang sasakyan.

Mayamaya, isang mahabang menor ang ginawa ng sasakyang hinahabol. Hudyat upang ilabas ni Ray ang kanyang kalahating katawan sa bintana at barilin ang gulong ng sinusundang sasakyan.

"Bang!'

Sapul na sapul ang gulong nito.

Tumirik ang sasakyan sa madilim at maraming puno na bahagi ng kahabaan.

At dahil sa tulin ng takbo ng sasakyan nina Paul, hindi ito maaaring diretsong prumeno. Kaya, nagpatuloy muna ito sa pagtakbo dahilan upang maunahan ang sasakyan na hinahabol.

Nang malapit nang prumeno sina Paul,

"Swooosh!"

Iniliko ni Paul ang sasakayan sa posisyong 45 degrees dahilan upang humarang ang posisyon nito sa kahabaan.

Sa loob ng hinabol na sasakyan, hindi man lang nakitaan na pagkabahala ang matandang si Samuel. Humalakhak pa nga ito at nagsabi," Bwahahaha! Sa wakas ay magkikita ulit kami."

Sabay na lumabas mula sa SUV sina Ray at Paul at pumwesto muna ang isa sa kanila sa gilid ng sasakyan upang hindi makita. Habang ang isa naman ay pumunta sa direksyon ng tumirik na sasakyan ni Samuel.

Nakita ni Samuel na lumabas mula sa SUV ang isang matikas na lalaki at papalapit ito sa direksyon niya.

Nang dalawang metro na ang layo ng lalaking papalapit, agad na lumabas si Samuel mula sa sasakyan nito.

"Sumuko ka na Samuel Dela Cruz! You're now under arrest!" sigaw ng lalaking kaharap ngayon ni Samuel.

Habang nakangisi, walang pagtutol na itinaas ni Samuel ang kanyang kamay. "Well, well, well, look who's here, Mr. Ray Collins! After four years, nagkita tayong muli"

"Put your gun down!" galit na sagot ng lalaki.

Parang walang narinig si Samuel at nagpatuloy. "Kapag sinuwerte ka nga naman Ray eh no. What a turn of events! Four years ago, ako yung humahabol sa iyo. Wait, no, let me rephrase that. Ako yung humahabol sa iyo at sa anak mo. Akala ko talaga napatay na kita noon eh kaya hindi ko na rin pinagtangkaan ang buhay ng anak mo---"

I Don't Believe That My Father Is Already DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon