Chapter 1: A Confession Inside the Garden

137 10 9
                                    

Sa Kasalukyan – June 4, 2014.

Dito sa Central South Philippine University, isa sa mga paboritong tambayan ng mga estudyante ay ang Lily Garden. Sikat ito dahil sa mala-paraisong setup na nasa lugar.

Nakatayo sa gitnang bahagi nito ang isang shrine kung saan nag-aalay ng dasal ang mga estudyante upang pumasa sa kanilang exams, lovelife at kung anu-ano pang hangarin ng isang tipikal na estudyante.

Sa harapan naman ng shrine na ito ay isang kulay puting tulay na nag-uugnay sa magkabilang dulo ng maliit na lawang makikita rin sa hardin. Tinawag itong Lily Garden dahil sa dami ng lily pods na lumulutang sa lawa, isang nakakabighaning atraksyon sa naturang lugar.

Paboritong tambayan ni Keanne ay ang benches na nakapalibot sa lawa.

"Haaayy... Preskong hangin, malupitang view at tahimik na paligid. I couldn't wish for another perfect spot to sleep," pahayag ni Keanne habang nakaupo sa paboritong bench nito.

Isang paraiso nga siguro ang hardin dahil hindi nagtagal at mahimbing ng natutulog si Keanne.

[Flashback]

"Son, sa pangalawang liko ko, I want you to jump out of the car. You got it?"

"What?! No! I won't leave you pa!"

Keanne's heart is beating triple times now.

"Keane, makinig ka! This is the only way na maliligtas tayong dalawa," tugon ni Ray sa anak.

"I know we can make it! Naghihintay pa satin si Mom, remember?" sagot ni Keanne.

Buong buhay ni Keanne natuto siyang lumaban sa emosyon at hindi kailanman nagpatalo sa sakit na dala nito.

But fate betrayed him.

His tears started to fall.

Terrified of their situation.

Tumingin sya sa mga mata ng kanyang ama at nakita ang awra ng awtoridad na bumabalot dito. Alam niyang talo siya.

Nang nasa palikong bahagi na sila, binagalan ni Ray ang takbo ng sasakyan at lumingon sa anak.

"Patawad anak. There is no other way," at itinulak si Keanne palabas ng sasakyan.

Sa mabatong damohan, hindi mabilang kung ilang beses nagpagulong gulong si Keanne.

Makalipas ang ilang segundo, isang malakas na tunog ang narinig. "Booom!"

Kahit masakit at dumudugo ang ulo, pinilit ni Keanne na tumayo. Those clear blue eyes of him was now flaming red as he saw their car on fire...

"Hoy! Gumising ka na po!"

Napabalikwas ng tayo si Keanne dahil sa makulit na sundot na ginagawa ng babaeng nakatayo sa kanyang harapan at nakataas ang kilay.

"Hi there crus...ay este Courinne!"

Courinne rolled her eyes. "Well, I'm here to remind you that we still have a class to attend to. Napahaba na naman 'nap' mo eh no," Courinne said sarcastically.

Keanne checked his watch. "Oh crap! What class is it today? Hehe."

"Haaayyys." Hindi matago ni Courinne ang pagkadismaya sa kaklase nitong matalino nga, hindi naman kabisado ang kanilang class schedule. "Keanne, you're hopeless. C'mon!" She rolled her eyes again.

Habang mabilis na naglalakad ang dalawa pabalik sa kanilang silid, nagpatuloy sa pagsasalita si Courinne.

"Keanne, hindi mo talaga naaalala sched natin eh no. So di mo rin natatandaan sino next instructor natin? Okay, here's the hint: he's our Math instructor who has a foreign name. Funny isn't it, a foreign teacher who teaches Math instead of English? Haha."

I Don't Believe That My Father Is Already DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon