Chapter 3: A Visit to an Old Friend

56 6 0
                                    

"Dammit, I'm late!"

Matulin ang lakad ni Keanne papunta sa main gate ng kanilang university. Late na naman siya kaya kailangan na niyang magmadali.

"Aheeem! You're late again Keanne Collins," tawag sa kanya ng lalaking nasa kanyang likuran.

Naiinis na nilingon iyon ni Keanne. Paglingon niya, "oh, magandang umaga Sir Ortega."

"Magandang umaga rin Keanne," sagot naman ni Eric Ortega, isa sa mga guro ni Keanne at matalik din niyang kaibigan. Mas matanda man ng anim na taon ang guro, nagawa pa rin nilang magkasundo ni Keanne sa maraming bagay kaya magaan ang loob nila sa isa't-isa.

"I guess we're both late? Hahaha," nanunuksong tanong ni Keanne.

"I think so. Hahaha! May importante kasi akong inasikaso kagabi kaya eto," sagot ni Eric.

Tinapik ni Keanne ang kaliwang braso ng guro sabay sabing, "uy, hindi ka na nagkukwento ng mga gimmick mo ha!"

Napangiwi sa sakit ang guro sa ginawang pagtapik na iyon ni Keanne ngunit madali itong nakabawi. "Nah. It was nothing. Anyways, okay lang ba na pumasok ka ngayon?" pag-aalala niya

"Honestly, hindi dapat pwede. We finally found papa's body and that we're supposed to have a funeral service starting today. But Tito Neil told us that they still need to examine papa's body to find more clues about his death. He also advised na huwag nang ipag-alam ang nagyari sa lahat--- Wait, how did you came up with a question like that?" nagtatakang tanong ni Keanne. "It happened last night and si mama at ang mga pulis lamang ang nakaka-alam sa nangyari---"

Natatarantang sumagot si Eric. "Uhhhm, it's because you seem very down. Kilala kita Keanne. You might be lazy and tardy most of the time but you always have this positive vibe, and today's different. That's why I guessed something happened. Eyes don't lie my friend."

"Ow, okay? I think I can't lie to you then," sagot naman ni Keanne.

Tumigil sa paglalakad si Eric at seryosong tinignan si Keanne sa mata. "Seriously, I'm sorry for what happened. My condolences to you and your mom."

"Thanks," malungkot naman na sagot ni Keanne.

"Oh siya, dito na ako kaibigan. You have my number. Call me if you need someone to talk to. Mag-iingat ka," paalam ng guro.

"Ikaw din, kaibigan," sagot naman ni Keanne at mabilis na tumakbo.

Hinihingal na nakarating si Keanne sa kanilang classroom.

"Should I go inside?' nag-aalangang tanong ni Keanne sa sarili.

He checked his wristwatch and discovered that it was 46 minutes past the first period. He's really late! After several thought, he decided not to enter the class anymore and waited for the second period instead.

**********

Pagpasok ni Keanne sa kanilang second period, nakita niya si Courinne kasama ang ilang kaklaseng babae na nagkukwentuhan sa unahan.

Sa pagkakataong iyon, hiniling ni Keanne na sana isa na lang siya sa mga babaeng iyon. Gusto rin niyang makausap si Courinne. Gusto niya itong kwentuhan sa lahat ng nangyari. Gusto niyang may taong yumakap sa kanya at sabihing magiging okay din ang lahat.

Ngunit bigo si Keanne.

Nakita siya ni Courinne papasok. Ngunit hindi siya nito pinansin.

Ramdam ni Keanne ang tensyon at ilang sa kanilang dalawa. Ngunit, isinawalang bahala na lang ito ni Keanne and still decided to greet Courinne normally. Desperado na siya.

I Don't Believe That My Father Is Already DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon