05

7 1 0
                                    

Mag-iisang taon na sana...


Mag-iisang taon na sana simula nung una tayong nagka-kilala..

Mag-iisang taon na sana simula nung unang beses mo kong napatawa.
Mag-iisang taon na sana simula nung nasilayan ko ang ngiti sa mga labi mo.
Mag-iisang taon na sana simula nung umamin ka, na nabihag ko ang iyong puso.

Mag-iisang taon na sana mula nung bahagian mo ko ng iyong napaka-gandang tula.Mag-iisang taon na sana mula nung sabihin ko na sayo, ako'y may pagdududa.Mag-iisang taon na sana simula nung unang beses kitang nasaktan dahil lang sa maling akala.Patawad dahil umpisa pa lang, nasaktan na agad kita.


Mag-iisang taon na sana simula nung bigyan mo ng kulay ang buhay ko.Mag-iisang taon na sana simula nung bigyan kita ng permiso na pumasok sa napaka-gulo kong mundo..Mag-iisang taon na sana simula nung una mong pinarinig sa akin ang napaka-ganda mong tinig.Mag-iisang taon na sana simula nung unang araw na ang aking puso'y... sa'yo pumintig.Mag-iisang taon na sana simula nung nakilala kita...Mag-iisang taon na sana...Mag-iisang taon na sana, ngunit ngayo'y wala ka na.


Patawad dahil hindi ko alam kung bakit tayo natapos..Patawad dahil ang pundasyong ating binuo ay apoy mismo ang tumapos.


Apoy ng kasalanan.. Apoy ng kasarimlan..


Apoy, na tumapos..


Apoy na tumapos sa pag-iibigang sana'y mag-iisang taon na...


Mag-iisang taon na sana mula nung pinaramdam mo sa akin na ako'y kamahal-mahal..Mag-iisang taon na sana, ngunit ikaw pa rin ang laman ng aking mga dasal..Mag-iisang taon na sana ngunit hanggang dito na lamang.Nais ko sana na lagi mong tatandaan...Na kahit lumipas ang panahon...


Sayo at sayo pa rin ang puso ko......kahit di tayo umabot ng isang taon.



— Introduction from; twelve letters that I should've wrote just for you..


Note: Yes, it should be an intro for a special letter that I'm writing for a special someone but I'm too lazy to do it. Still in my drafts.

𝙚𝙫𝙚𝙧𝙮𝙩𝙝𝙞𝙣𝙜 𝙄 𝙙𝙞𝙙𝙣'𝙩 𝙨𝙖𝙮 ;Where stories live. Discover now