Ilang oras lang ang tinakbo ng kabayo at nakarating ako sa isang pamilihan. Ito talaga ang una kong naisip na lugar dahil baka may nagbibinta ritong mga alahas at nagbabakasakaling mahanap ko rito ang singsing.pumasok ako sa isang tindahan ng mga alahas at tiningnan ang bawat singsing na makita ng aking mga mata. Habang tumitingin ako ay may lumapit sa aking babae. siguro ay isa ito sa tindira dito.
"binibini, ano ba ang iyong hinanap. may iba pa kaming disinyo ng mga singsing maliban sa nakalagay diyan. kong gusto mo'y kukunin ko at ng makita at baka may magustohan ka." nakangiting turan sa akin ng babae.
" ah, naghahanap po kasi ako ng singsing na may dragon ang disenyo. Mero'n ba Kayo non.? "
Nag isip muna ang babae bago ng salita.
" pagpaumanhin binibini ngunit wala kami ng ganoong disenyo. baka sa ibang pamilihan mayroon."
"ah,, ganoon ba. sige po maraming salamat"
" walang ano man. nawa'y mahanap mo ang bagay na hinahanap ng puso mo. "
Nginitian ko nalamang ito kahit na nagtataka sa huling tinuran nito. ipinagsawalang bahala ko nalamang iyon. at lumabas na ng pamilihan ng mga alahas at pumunta sa ibang tindahan.
Ilang oras din akong naghanap-hanap ng singsing ngunit wala akong makitang may disenyong dragon. Ito na ang panghuling tindahang aking napuntahan. At ni isa man ay walang dragon ring akong nakita.
Lumabas na ako ng tindahan. Hindi ko napansing gabi na pala kaya minabuti na lamang na umuwi muna ako sa bahay nila Miguel.
Sakay ang aking kabayo ay binaybay ko ang daan papunta sa mansiyon ng dela Vega. Gabi na at halos ang mga ilaw nalamang ng mga bahay ang nagsisilbing liwanag sa daan.
Hindi pa na uso rito ang may koryente hindi tulad ngayon sa atin na lahat ay high tech na at puro energy mula sa electricity ang gamit. Dito ay sapat na ang isang maliit na lamparang nag sisilbing liwanag sa buong kabayanan.
Sadyang masasabi kong napakasimple lamang ang mga tao noon kay sa ngayon. Sapat na sa kanila ang makakain ng talong bisis sa isang araw at magpasalamat sa diyos sa bagong araw na binigay at biyaya. Ngunit ngayon iba na. Subrang napakalaking depirinsiya sa panahon noon. Dati ang mga bata ay sabik maglaro sa umaga ng larong pangpilipino. Ngunit ngayon. bago matulog at pag gising cellphone , computer o di kayay tablet ang hawak. Kakalaro sa ano mang mga games. Sadyang napakalaking nabago ngayon at noon. Alam kong hindi na ito napapansin ng mga mamayan ngayon. well isa na ako doon. pero sadyang sayang lamang na halos malimutan na ang mga nanyari noon sa panahon na aking kinamulatan.
Patuloy kong binabaybay ang daan hanggang sa matanaw ko na ang mansiyon nila Miguel. Agad naman akong nilapitan ng isang gwardiya sibil ng makita ako. Sa pagkakaalala ko ay siya si ka Nestor.
"binibining Cassandra mabuti at dumating kana bakit nganyon kalamang. "
" nalibang ako sa aking pamamasyal at nakalimutan ko ang oras ka Nestor. "
" oh siya pumasuk ka na binibini. "
Agad naman akong pumasok. Sinirado naman nito ang malaking gate.
Ako naman ay bumaba na ng kabayo at binigay sa kanya ito para ibalik ito sa kwadra. Papasok na sana ako ng makita ko si Miguel na nakatayo sa pintuan at nakakunot ang noo.
Anong problima nito at ganyan siya makatingin. hindi ko naman ito inano ah. hindi ko nalamang ito pinansin at nagpatuloy sa pagpasuk ng bahay. Ng makapasok na ako ay nagsalita ito.
"Bakit ngayon kalang, alam mo bang gabi na binibining Cassandra?"
hindi ko ito pinansin at ng paluloy sa pag-akyat papuntang silid ko. Ng nasa tapat na ako ng pintuan ng silid ay ng salita ito ulit.
"hindi kaba magsasalita? alam mo bang gabi na at hindi magandang tingnan na ginagabi ng uwi ang isang binibini."
para itong inahing manok na putak ng putak. kaya hindi nako na katiis at hinarap ito. kinalma ko muna ang aking sarili bago ako ng salita.
"Nalibang ako sa aking pamamasyal at hindi ko na namalayan ang oras. bakit ka ba nagagalit diyan?"
"Nag-aalala lamang ako sayo. hindi ko alam kong napano kana dahil gabi na at hindi kapa umuuwi. isa pa ikaw lamang mag-isa at walang kasama."
kumabug naman ang aking puso sa kanyang sinabi. Ano bang kababalaghan ang nanyayari sa kanya. sa tuwing ganito ang palitan namin ng sagutan ay nagiiba ang aking nararamdaman. lalo na't malapit ako rito at langhap ko ang mabango nitong katawan. ano ba Cassy ano bang nangyayari sayo..may sakit na yata ako sa pag iisip at sa puso...kinalma ko ang aking sarili.
" Salamat ginoo, hindi mo na dapat abalahin ang sarili mong mag alala pa dahil kaya ko na ang aking sarili."
" hindi maaring hindi ako mag alala gayong na sa akin ka nakatira."
"paumamhin. sasusunod ay babalik ako ng maaga. " ng masabi ko iyon ay agad kong binuksan ang pintuan ng aking silid at pumasok. at tapos ay sinirado ito ng hindi siya tinitingnan man lang.
Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya dahil para na akong mababaliw sa lakas ng tibuk ng puso ko. hindi mana ako ganito pag pumapatay ako ng tao. bakit pag si Miguel ang kaharap ko'y para akong nauupos na kandila.
Napaupo ako sa gilid ng kama at dinama ang aking dibdib.. itulog ko na ngalang ito baka pagod lamang ako dahil hanggang ngayon hindi ko parin alam kong saan ko mahahanap ang singsing.
Ngunit bago ako matulog ay nag hilamos at hinubad ko na rin ang aking damit. hindi ako nakakatulog ng maydamit kaya hinuhubad ko ito. Sumampa na ako sa kama at nahiga. iniisip parin ang nagyari kanina.
Bakit ba ganoon siya. Nag-alala siya sa akin, bakit? hindi naman kami close ah. at isa pa ilang araw palang ako rito nakatira sa kanila. hay nako huwag kang ilusyunada Cassy as if nag-alala lang siya sayo dahil kargo di konsinya ka niya dahil nakatira ka sa poder niya. huwag kang feelingera oi!!!.. matulog ka na nga lang ng bukas ay bago na namang araw na maghahap ka ng singsing. hay buhay! kaylan ba kasi ako makakauwi.
![](https://img.wattpad.com/cover/150374103-288-k756141.jpg)
BINABASA MO ANG
Mafia Empress in 1885
Historical Fiction"They call me empress hell coz I'm literally hell. so don't miss up with me if you still love your damn life." - hell Paano kung ang isang mafia empress ay mapadpad sa nakaraan. Sa taong 1885 panahon ng mga espanol. Panahon kung saan pinapaburan ang...