KABANATA 5

217 20 3
                                        

Ng makarating na ako sa hapag kainan ay bumugad sa akin si Miguel at ang kanyang kapatid at anak nito.

"Maupo ka binibining Cassandra." Ngiting sabi ni Margaret sa akin.

Hindi ba ito ng sasawa sa kakangiti sakin. Hindi ko na lamang  ito pinansin at na upo katabi ni Miguel. Tiningnan ko ang pagkain sa hapag. May isda at may karne din at mga gulay. Lahat ay lutong bahay. Kumuha ako ng karni at kanin. Ng matikman ito ay naisip ko na ito iyong pangalawang bisis na makakain ako ng lutong bahay. Dati lagi lang akong nagpapadeliver  ng pagkain dahil sa hindi naman ako marunong magluto.

Habang kumakain ako ay napansin ko si Miguel na nakatingin sa akin.

"May problima ba at ganyan ka makatingin." Tanong ko rito. Agad naman itong nag iwas ng tingin.

"Hinay2x lang sa pagkain.." Pagkatapos niya iyong sabihin ay agad naman nitong pinagpatuloy ang pagkain.

"Tss..paki mo ba."

"Ah.. Binibiining Cassandra. Kumusta pala ang pagtira mo dito. Hindi ka ba nababagot."

"Actually.. I mean.. Ah! Mabuti naman kaya lang nakakabagot ang mamalagi sa loob lang ng bahay.. " ng pagkasabi ko. Ay agad akong tumingin kang Miguel. "Maaari ba akong umalis mamaya." Tanong ko rito.

"Saan ba ang punta mo ng mahatid kita."

"Kung saan mo ako natagpuan. Maari ba?"

"Oo naman. Pagkatapos nating kumain ay gagayak tayo papunta doon kung saan kita natagpuan."

Hindi na ako sumagot at pinagpatuloy nalang ang pagkain.
Kalaonan ay natapos narin. Tutulongan ko na sana si Margaret na maglinis ng pinakainan. Nagpinabawalan ako nito. Hinayaan ko na lamang.

Labas nako ng hapagkainan at dumiritso sa sala ng maabotan ko si Miguel doon nakaupo. Nag makita niya naman ako ay agad itong tumayo.

"Binibining Cassandra tapos kanaba ng tayo'y aalis na."

"Oo"

Tumango ito. At nauna ng lumabas ng pinto. Sumonod naman ako rito. Sa labas may nakaparadang  karwahi. Hindi muna ito sumakay  at pinauna ako. Aakyat na sana ako ng hawakan nito ang aking siko. Nagulat ako sa ginawa nito. Kaya napabaling ang tingin ko rito.

"Bakit?" Pagkuway tanong nito akin.

"Wala."

Nagmakaupo na ako ay agad naman itong pumasuk at umupo sa aking tabi.

Sa kahabaan ng kalsadang aming dinadaanan. May makikita akong mga munting mga bahay. May mga batang naglalaro. At ang ibay naglilinis ng bakoran. Pangkaraniwang gawi ng mga mamayan sa isang probensya.

Naisip ko kay sarap sigurong mamuhay ng ganito. Parang walang problima at mga taong nagtatangka sa buhay mo minuminuto.  Dati kahit pagtulog ko sa gabi ay hindi matagal. Dahil baka may iba na namang tao ang nagtatangka sa aking buhay. Mahirap ang buhay ko ang akala nila ay napakaswerte ko dahil ako ang  namumuno sa mafia world. Pero di nila alam na bawat minuto ng buhay ko Kakambal nito ang kamatayan.

Hindi ko na alintana na nakarating na pala kami kung saan ako nakita ni Miguel.
"Nandito na tayo."
Una itong bumama at sumunod naman ako rito. Inalalayan uli ako nito pababa. Ng makababa ako ay nilibot ko ang aking paningin. Wala kahit anong bahay at puro palayan lamang ang nandito.

"Dito kita nakitang nakahandusay at duguan."

"Dito?"

Tumango ito sa akin bago ng salita uli.

"Oo ng makita at malapitan kita wala kang malay may mga sugat karin. Ang pinagtataka kulang ay bakit may sugat ka at nakahandusay dito. Wala naman akong nakitang ibang tao. Ng makita kita."

"Ganoon ba. May napansin ka pa bang iba?"

"Wala na binibini."

Nilibut ko uli ang aking paningin nagbabakasakaling may makita ako kahit kunting clue. Kung papaano ako makakabalik. Ngunit wala akong mahanap.

Kalauna'y nagpasya si Miguel na umuwi na.  Sumunod nalamang ako rito.

" binibini kong wala ka kahit anong maalaala tungul sa iyong nakaraan. Bulas ang aking tahanan para sa iyo."

"Salamat."

Tumango at ngumiti ito. At ng salita uli. "Gusto mo bang mamasyal muna bago tayo bumalik?"

"Ikaw ang bahala." Walang gana kong sagot rito dahil ang isip ko parin ay kung paano ako makakabalik. Palaisipan parin sa akin ang pagpunta ko rito sa nakaraan.

Ilang minuto ng huminto ang karwahi. At bumaba si Miguel.

"Binibini halika at bumaba na. Nandito tayo sa pamilohan. Balak ko sanang bilhan ka ng mga damit dahil sa kadahilanang wala ka naman  at pinaglumaan lang ng aking kapatid ang iyong kasuotan.

Tiningnan ko lamang ito at bumaba na. Wala naman akong paki kung ano ang suot ko. Hindi naman ako masilan. Sinundan ko nalamang ito kung saan. At pumasuk kami sa isang pamilihan ng mga baro't saya.

"Binibini hito mamili ka ng babagay sa iyo."

Tumango lamang ako rito at ng simulang mamili ng di siya pinapansin. Kalaunan ay may narinig akong pumasuk. At nag makita nito si Miguel ay agad itong lumapit.

"Magandang umaga siñor Miguel. Ano ang sadya mo rito sa pamilihan ng mga damit pambabae." Tanong ng isang babae. Maganda it, mataas, may magandang mata at mangos na ilong  half Spanish- filipino ito. At makikita sa mga tingin nito na may gusto ito kay Miguel.

"Ah! Ikaw pala binibining Carlota. May kasama kasi akong mamili ng damit rito."

"Ganoon ba. Si ate Margaret ba ang kasama mo Miguel?"

"Ah! Hindi. Si binibining Cassandra ang aking kasama."

"Binibining Cassandra?"

"Ah.. Oo, taga maynila siya at anak siya ng kaibigan ko." Pagsisinungaling ni Miguel dito.

Anong anak ng kaibiga sinungaling.. Hindi ko nalamanv ito pinansin at nag patuloy sa pamimili. Kalaunan ay may napili na ako at lumalit sa kanila.

"Tapos na ako." Bungad kong sabi rito. Busy kasi ito sa kakausap sa babae.

"Ganun ba. Akin na ng mabayaran ko na."

Binigay ko naman dito ang mga damit. Bumaling ang tingin ko sa babaing kausap nito. Napataas ang kilay ko ng titigan ako nito mula ul hanggang paa. Bagot ko naman itong tiningnan.

"Ah.. Binibining Cassandra siya nga pala si binibining Carlota kababata ko."

Tinitigan ko lamang ang babae at tumalikod at naglakad pabalik sa karwahi.

"Kung tapus kana diyan bilisan mona dahil pagod na ako gusto kunang magpahinga."

Hindi ko na hinintay pa ang sagot nito. Agad akong tumalikod at naglakad paalis. Narinig ko pang nagsalita si Miguel dito.

"Ah, binibining Carlota pagpaumanhin sa inasal ni Cassandra baka nga'y napagod na ito sa pamamasyal. Sige at babayaran ko muna ang mga pinamili ni Cassandra. Pagpaumanhin kung iiwan na muna kita." Maginuong turan ni Miguel rito.

"Walang ano man siñor Miguel."


Mafia Empress in 1885Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon