Lumabas na ako ng bahay at nakita ko dun si Erlyn na nag aantay kaibigan ko sya at kaklase din ngayong last school year ko sa senior high"Tara na?"-tanong ko pa dahil mukhang busy pa sya sa kakacellphone nya
Tumango lang sya at nauna nakong maglakad, excited ako at the same time kinakabahan dahil first day of school ngayon, grade 12 nako at hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa last school year ko iniisip ko nalang na maeenjoy ko ito.
pagsakay ko palang ng jeep halos mga estudyante ang mga nakasakay dun. Mga 5-10 mins. Ang byahe papuntang school medyo malapit lang din naman
Nang huminto na ang jeep sa tapat ng school ay nagbabaan narin kami. Sobrang dami pang nagkalat na mga estudyante dito hinanap ko yung mga kaibigan ko noong grade 11 ako pero hindi ko sila mahagilap dalawa kami ni Bea ang nahiwalay sakanila di bale magkikita naman kami mamaya sa recess
Kinuha ko ang cellphone ko at nag open pa sa messenger
Bea: school kana?
Chat ni bea, agad ko namang nireplyan
Ako: oo asan kana?
Agad naman nyang sineen yun at nagreply sya
Bea: paalis pa lang ako
Ako: cge dalian mo ah
Itinago ko na ang cellphone ko tinignan ko si Erlyn at hawak hawak parin nya ang cellphone nya
Ngayon ko lang naging classmate si Erlyn pero matagal na kaming magkakilala
Buti nalang din at naging mag classmate na kami
Inalis ko na ang tingin ko sakanya at naghintay na lang, nasa labas padin kami ng school sa sobrang dami ng nag aaral dito inabot na sa labas ang ibang mga estudyante
Nakita ko si Hero bigla nya akong tinuro sa kasama nya
Si Princess girlfriend nya, hindi kami masyadong close nun nakilala ko lang sya nung niligawan sya ni hero nun pero naging mag kaibigan ko noong 3rd year, si Hero naman kaklase ko nun
Buti nagbago natong kupal nato AHAHAH
Ngumiti ako sakanila at hinila ko si erlyn nagpahila naman sya sakin
"Uy"-sabi ko pagkalapit sakanila
"Kamusta kana erine?"-nakangiting tanong ni hero
"Ayos lang"-ngiti ko sakanya
"Oh ayan na may kasama kana"-sabi ni Hero kay Princess
"Magkaklase pala tayo"-sabi ko
"Oo, kayo lang ni bea ang nahiwalay ah? Magkakasama sila danny ah"-tukoy nya sa mga kaklase ko nung grade 11 kilala nya din yun at si bea naging kaklase nya nung grade 10 sya
"Oo nga eh"-sagot ko nalang
Napansin kong tinignan nya si erlyn agad kong nilingon si erlyn
"Erlyn si princess, princess si erlyn"-pagpapakilala ko sakanila
"Hello"-ngiting sagot ni erlyn
Ngumiti lang si princess
"Kaklase ka din namin?"-mahinhing tanong ni erlyn
Tumango lang si princess
Nang matapos na ang ceremony at orientation sa quadrangle sa loob ng school agad ng naglakad papasok ang mga estudyante na nasa labas agad narin din kaming sumunod doon
Maya maya pa nag paalam na si Hero samin at humiwalay na kay princess dahil papunta narin kami sa kanya kanya naming room
Nakakapit sakin si princess at si erlyn dahil nga siksikan at baka magkahiwa hiwalay pa kami

BINABASA MO ANG
Classmates But Strangers (HS #2)
Non-Fiction"I can't explain chemistry. I really can't. I haven't got a clue what it's all about. It just happens. It's like falling in love. You can't explain why you fall in love or explain why it's this particular person." - Elaine Stritch