Chapter 15

0 0 0
                                    


"Erine report na daw"-tinignan ko si princess

"Si eugene muna"-sabi ko

Bigla akong kinabahan muli kong tinignan ang papel na pinagsulatan ko ng explanation incase na may makalimutan ako sa sasabihin ko

"Wala si eugene? Sino na sunod? Erine?"-rinig kong sabi ni maam

Wala si Eugene kaya ako na ang mauunang magreport

Psh. Expected ko naman na to laging late si eugene kaya natural hindi talaga sya makakapag report tsk. Ano pa nga ba

"Goodluck kaya mo yan"-ningitian ko si princess

Pumunta na ako sa unahan at niready na rin ang mga visual

Sinenyasan ko narin si maam na magsisimula na akong mag report tumango lang sya

Sinimulan ko na ang pag report ilang minuto pa ang lumipas

Habang nag rereport ako napatingin ako sa labas ng room

Si Eugene. Bawal sya pumasok dahil late sya. Nakatingin sya sakin, iniwas ko yung tingin ko sakanya at nagpatuloy na

Hanggang sa tapos na ako magreport napatingin ako Kay Eugene na papasok na nakatayo ako sa harapan ng armchair nya tinignan ko si ma'am kung baka pwede nako maupo pero may kausap pa, tumabi si Eugene sakin

"Ayyieeeeeeeeeeeee"

"Bagay kayo"

Aluh?. Nagtaka ako bat kami inaasar neto tanging ngiti nalang ang ginawa ko

"Umalis ka dyan"-mahinang sabi ko kay Eugene Hindi nya ako pinansin nakangiti lang sya

"Maam girlfriend yan ni Eugene"-napatingin ako dun sa nagsalita na tropa ni Eugene

Huh?

Naguguluhan ako ano bang sinasabi nila

"Boyfriend mo si Eugene, Erine?"-agad akong napatingin kay maam

"Hindi maam, nagbibiro lang sila"-agad na sabi ko

Mukhang hindi pa ata narinig ni maam yung sinabi ko

"Boyfriend mo pala si Eugene"-hindi ko alam ang irereact ko kaya hindi nalang ako nagsalita

Isipin pa nila defensive ako

Umalis na din ako sa harapan at naupo na sa upuhan ko

"Ang galing mo dun ah"-sabi sakin ni maria

Ngumiti nalang ako

Habang naglalakad kami ni princess papuntang lab room next sub nanamin nakasabay pa namin sina betty

"Si Erine oh forever ni Eugene"-turo sakin nila Betty

Napakunot ang noo ko Pero diko nalang sila pinansin gusto ko silang tanungin pero naisip ko wag nalang pala

Nang aasar lang sila

"Cr muna tayo"-lingon ko ko kay princess

Tumango sya at pumunta muna kami ng cr

Nahagip pa ng mata ko si Josh na nakatingin sakin

Nang makalagpas kami sakanila napangiti nalang ako

"Ako muna erine"-tumango nalang ako kay princess at pumasok na sya ng cr.

Classmates But Strangers (HS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon