Habang nag didiscuss si maam hindi ako makapag concentrate sa tinuturo nya
Pinikit ko ang isa kong mata dahil sa hapdi at sakit na nararamdaman ko kasabay pa nun ang pagluluha ng mata ko
Nasa lab room kami at sobrang lamig din ng room na ito marahil nakadagdag ang lamig sa sakit ng mata ko
Ilang beses ko na din itong nararanasan pero kadalasan sa tapat ko ito ng computer nararanasan pero hindi ko alam kung bakit ngayon ko to nararamdaman dito sa room
"Princess labas lang ako"-sabi ko sakanya
"Bakit?"-princess
"Ang sakit ng mata ko"-ako
Saktong tumalikod si maam tumayo ako para lumabas
Kung magpapaalam pa kasi ako kay maam maiistorbo ko lang yung turo nya
Ok lang naman kasi sakanya yung lumabas basta bumalik din
Nang makalabas ako naramdaman kong unti unti ng nawala ang sakit sa mata ko
Sabi na sa lamig to
BINABASA MO ANG
Classmates But Strangers (HS #2)
Non-Fiction"I can't explain chemistry. I really can't. I haven't got a clue what it's all about. It just happens. It's like falling in love. You can't explain why you fall in love or explain why it's this particular person." - Elaine Stritch
