Chapter 48

1 0 0
                                        

10am nako nakapasok ng school akala ko pumasok ka, Pero hindi pala

Halos lahat busy sa pag aayos ng room para sa party

Hindi narin masyado nagklaklase

Ako. Wala ako ginagawa nakaupo lang ako habang nakatapat sa electricfan at naglalaro sa cp ko. Katabi ko si kira na nag cecellphone din

Nang matapos idikit yung mga ibat ibang picture namin ng buong sem sa wall. Agad kong tinignan lahat iyon

Madaming picture si eugene dun may mga stolen shot din na kuha Tinitigan ko lahat iyon

Gusto kong tandaan yung mukha nya gusto kong alalahanin . dahil mamimis ko sya. Yung mga simpleng galaw nya na kinikilig ako dahil sa asaran at kung ano pa.

Lastday na namin sa friday Christmas break naa kasi

Time check : 12:30pm

Nakaupo ako habang ang mga iba kong kaklase nagkakandaugaga dahil sa gaganaping performance ng bawat grupo

Kinalabit ako ng ka member ko Paglingon ko mukha ni eugene ang nakita ko na nakatingin sakin papasok ng room

Agad akong tumango sa sinabi ng kamember ko sakin at umayos na ng upo

Buti pumasok sya

Nung kami na yung nag performed agad narin akong umacting para sa scene 1 at scene 2 ko after non umexit nako dahil Hindi ako kasama sa next scene

Umupo ako sa gilid. Pansin ko si eugene palinga linga samin until huminto yung paningin nya sakin

Maya maya Umalis ako sa inupuhan ko dahil tinawag ako ng isa Kong kamember

Pinuntahan ko yung isa ko pang ka member na boyfriend ko kuno nakanta sya . Background song sya ng scene 3

Habang nakanta pa sya umupo na ako sa tapat nya  dahil kami na yung next scene

Nung turn na namin nagsimula na ulit akong umacting

Hinawakan nya yung mukha ko at ganun din sakanya

"May bago ng loveteam"-

Rinig kong bulungan ng mga kaklase ko samin

After ng scene namin napasimangot ako. Himala hindi nila ako inasar kay eugene usually kasi lagi nila kaming inaasar ni eugene kapag nag peperform ako o kaya nagrereport

Ngayon lang hindi. Cguro wala na nga talaga syang gusto sakin

After naming magperform lahat Umupo ako sa gilid sa tapat ng pintuan sumunod naman yung dalawa kong kaklase yung isa umupo sa table sa gilid ng bintana yung isa naman nakatayo at nakatingin sa labas habang nakabukas iyon nakatingin lang din ako sa labas. May isang buong section dun sinurprise yung adviser nila birthday ata

Bigla akong napatingin sa kabilang side ko. Si eugene hindi ko alam kung ibababa ko ba yung paa ko dahil naka taas ito

Dadaan ba sya? Hindi ko binaba ahahah bahala sya

Yung kamay nya isinandal nya sa blackboard na nasa gilid ko parang magkatabi lang din kami pero nakatayo sya sa tabi ko

Tinignan ko sya pero ayaw nya ata akong tignan. Nakatingin lang din sya sa labas para manood

Ibinaba ko yung paa ko mukha kasing lalabas sya ayaw nya lang magsalita tsj. Pati ba naman dun hindi nya pa ako kausapin parang hindi naman kami magkaklase nito .

dahan dahan syang naglakad palabas pero huminto sya dahil kinalabit sya ni princess na nakaupo sa table sa tabi ng bintana

"Eugene si erine oh"

Sabay turo sakin.

"Ayyiee" - asar nya kay eugene

Napangiti ako pero agad ko ring binawi para hindi halata

Hindi ko nakita expression ni eugene dahil nakatalikod na sya sakin atsyaka sya dumeretsyo palabas

Inalis ko ang tingin ko sakanya at umupo nalang sa likod bahala nga sya

*uwian*

Sa labas ng school . Bigla akong nagutom may mga street vendors kasi dun . Ang pinaka fav. Ko dun yung proven bumili kami ni anica

Bumili din si anica ng palamig Uminom sya at ako nakiinom nalang

Pagka inom ko nakita ng mga mata ko si eugene nakatingin sakin habang naglalakad may mga kasama sya pero hindi ko kilala. Agad ko ring ibinigay kay nica yung palamig at tumalikod ako kunwari kong inayos ang bitbit ko

Nang mapansin kong nalagpasan na kami ni eugene

"Tara na"-yaya ko kay anica

"Dun muna tayo sina jane pa"-anica

Naglakad kami sa kabilang kanto

Napatingin pa ako kay eugene na nakatayo sa kabila habang nag aabang ng jeep

Nagkatinginan ulit kami . Iniwas ko yung tingin ko sakanya at nagpatuloy na sa paglalakad ng makita nanamin sina jane

Classmates But Strangers (HS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon