Chapter 4 ☪

0 1 0
                                    

Masakit...

Napakasakit ng nararamdaman ko ngayon.

Nakapikit ang mga mata ko pero damang-dama ko ang sakit sa dibdib ko.

Parang sinaksak ako ng kung ano.

Habang tumatagal lalong sumasakit!! Hindi ako makahinga!

Ang sakit!!

AHHHGG!! Anong nangyayari sa akin.
Napasigaw na lang ako at.....



Napamulat ako ng mata at napabangon mula sa pagkakahiga sa isang kama.

Teka, nasaan ako?? Nilibot ng mga mata ko ang paligid.

Nasa kwarto ako, kwarto ko sa mansion.

Anong nangyari? Bakit ako nandito?
Diba tumakas kami ni Alistair? Bakit nandito na naman ako sa mansion?

Panaginip lang ba yun? Yung mga lalaking pula ang mga mata na kakainin daw kami.. yung pakikipaglaban namin ni kambal..

tsaka yung saksak sa dibdib ko!!

Tinignan ko naman agad ang didbdib ko at hinawakan yun pero walang akong nakitang sugat. Ni patak ng dugo walang bakas. Panaginip ba lahat ng yun??

Pero bakit damang-dama ko lahat? Yung pagod, yung takot, yung sakit. Parang totoong-totoo. Hindi ko maipaliwanag pero parang may mali eh...

Hayy ewan.. bahala na nga lang.. siguro panaginip nga talaga lahat ng yun.. Nako Azi, nababaliw ka na talaga.. Tama nga siguro si kambal.

Bumaba ako mula sa kama at tinahak ang daan patungo sa pinto ng kwarto ko. Nang makalabas ako ng kwarto ay nagsimula akong maglakad sa hallway ng mansion namin.

Habang naglalakad may napansin ako. Parang ang lamig naman ng paligid. Well, hindi naman bago ang pagiging malamig sa loob ng mansion namin kasi malamig naman talaga dito. May cooling system kasi dito gaya ng nasa mall.

Pero ngayon iba ang lamig na nararamdaman ko eh. Hindi ko ma explain kung pano naiiba pero....

Ahh basta! Iba ang pakiramdam ko. Tapos! Na-e-estress na ang beauty ko ...

Tsaka pansin ko rin parang walang tao. Nako! Impossibleng walang tao ang mansion. Sa dami ba naman ng katulong at bodyguards namin dito nuh.

Ang weird na huh...

Sa paglalakad ko, hindi ko na napansin na nasa sala na pala ako.

Shit!! Ano bang nangyayari? Wala talagang tao. May occasion ba sa labas at nakalimutan akong eh sama?

Langya! Sa ganda kong to, nakalimutan pa talaga nila ako huh.

Nilibot ko ang paningin ko sa paligid nang may makita ako na labis na ikinagulat at ikinatuwa ko.

"Nana!..."

masayang sigaw ko habang tumatakbo patungo sa kanya. Sinalubong naman niya ako ng yakap..

"Nana nandito ka nga!" huhuhu naiiyak ako sa tuwa.. si Nana ay lola ko na super duper close namin ni kambal.

Palagi siyang bumibisita dito sa mansion para makipag bonding sa amin ni Alistair. Paminsan-minsan siya rin ang nag te-train sa amin.

Moon's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon