Azhnaiah’s POVNaalimpungatan ako nang may narinig akong may nabasag.
Ano yun? Iminulat ko ang mga mata ko.
Nung una malabo pa ang paningin ko hanggang sa luminaw na ito.
Tumingin ako sa paligid at napagtanto kong nasa isang di kilalang kwarto ako at nakahiga sa isang napakalaking kama.
Nasaan ako?
Dahan-dahan akong bumangon at dun ko lang naramdaman ang sakit at pamamanhid ng katawan ko na tila isang taon akong hindi nakagalaw.
Aray ko naman! Ilang araw ba akong nakahiga sa kamang ito…
Parang dinaganan ni Optimus Prime yung katwan ko..langya!
nag stretching ako kaunti.. habang ginagawa ko yun, may naalala ako.. teka---
Nasaan si Alistair?
Nang maalala ko si Ali ay daglian akong umalis sa kama at tumayo para sana hanapin siya pero wala pa mang isang segundo ay sumubsob na ang pretty kong face sa sahig.
Ouch!! Ang sakit ng panga ko, bwesit!!
Hindi ko naitukod ng maayos ang mga kamay ko para sana hindi ko nahalikan ang sahig dahil manhid parin ito.At hindi lang kamay ko ang manhid, pati pala paa ko. Kaya nga nag meet and greet yung fes ko at yung sahig diba.
Ano ba naman toh? What’s happening to me? Wait--- OhMyGosh!!! Hindi kaya may pangit na alien na dumating tapos nabighani siya sa kagandahan ko?
At sinipsip niya yung life energy at beauty essence ko para gumanda din siya kasi na insecure siya sa goddess-like beauty ko??!!
At kaya namamanhid yung katawan ko dahil dun. And----- oh no! No! NO!! baka pumangit na ako??!!!
“AAAHHHHHHHH!!!.....”
malakas akong napasigaw dahil sa realization ko. Huhuhu T^T ang bad ng mga alien.
Ano bang nagawa ko para agawin nila ang beauty ko.. hindi naman ako isa sa mga pulis pangkalawakan na umaaway sa kanila.. UWAAHH! I want justice..
Habang nag he-hysteric ang isipan ko hindi ko namalayan na may pumasok na pala sa kwarto na kinaroroonan ko.
“Azi! Kambal, anong nangyari? Bakit ka sumigaw?? Bat ka nasa sahig?? Ano, may masakit ba huh?? Ano na?! sumagot ka kambal…” nang makalapit si Ali sa pwesto ko, which is sa sahig parin, yan agad ang sinabi--- ay hindi, sinigaw niya pala yan sa pagmumukha ko..
“hoyy! Ano nah? Magsalita ka naman!” sigaw niya ulit..
“teka naman..wag ka ngang sumigaw sa pretty face ko.” Sigaw ko din sa kanya.
aba akala niya siya lang marunong sumigaw huh.
“eh ikaw naman kasi, ayaw mong sumagot”
“pano naman ako sasagot eh kung makatanong ka naman wagas, parang wala nang bukas..” sabi ko sa kanya.. sinamaan lang niya ako ng tingin..
“tsk! So ano nga, okey ka na ba?” sabi niya sa akin and worry is evident in his eyes kahit nakasimangot siya ng kunti.
Nagtubig naman yung mata ko dahil sa tanong niya… HUHUHU naalala ko na naman kasi yung alien T^T
“Hala bat ka naiiyak? May masakit pa din ba sayo? Azhnaiah please talk to me.” Natataranta na si Ali dahil sa inaakto ko kaya sinabi ko na sa kanya.
“eh kasi Ali yung alien …” nakita ko naman na kumunot yung noo niya.. suminok muna ako bago ako nagsalita ulit…
“Yung alien sinipsip niya yung life energy ko kaya manhid yung katawan ko. Pati yung beauty essence ko kaya pumangit na din ako. Huhuhu Ali, ano nang gagawin ko nito..? bakit hindi mo pinigilan yung alien??”
BINABASA MO ANG
Moon's Love
FantasyThis is a story where love conquers all. Even death can't stop it. It will always find a way to meet two hearts and merge it into one. How hard will their hearts' journey be? Let us all bare witness to their hardships and heartbreaks and be the jud...