Half way na yata tayo guys haha
Continuation
Jema's POV
"Uyy uyy teka lang ang bigat niyo!" Pilit na sigaw ni Deanna habang nakadagan sila ate Bea sa kanya. Haha yup nandito po ang former teammates ng mahal ko kasi gusto daw nila makita si Deanna.
"Hep hep tayo na mga bata!" Sigaw ni ate Maddie sa kanila. Tumayo naman na sila at nagsipag ayos muna. Nagtataka namang tumingin si Deanna sa kanila kaya nilapitan ko siya.
"Deans, meet your former teammates." Nakangiti kong bati sa kanya sabay pakilala kila ate Bea.
"Ate Bea, ate Maddie, ate Kat, ate Jho, Dani, Jaja, and itong apat kilala mo naman na haha." Pakilala ko kila ate Bea and also kila Jules, Vanie, Jaycel and Yumi.
"Sorry Deans di kasi nakarating ung iba kaya kami na lang haha." Sabi ni ate Bea.
"But ofcourse Deans," Tawag ko ulit kay Deanna kaya napalingon siya sa akin. "Meet your bestfriend," Sabay turo ko sa likod niya kaya lumingon din siya. "Ponggay Gaston-Paras."
"Omyghad Deans!" Sabi ni Ponggay at agad agad na yinakap si Deanna. Nagtataka man si Deanna ay yinakap na rin naman niya si Ponggay kaya napangiti na rin naman ako at pasimpleng inapiran si Kobe.
"Oh oh walang solohan Pongs." Awat ni ate Maddie kay Ponggay at hinila si Deanna haha kawawa naman baby ko.
"Wala ung mga chikiting niyo?" Tanong ni Jaycel kila ate Jho.
"Wala iniwan namin haha." Sabay sabay ng mga may baby na sa kanila.
"Sana all." Sabi na lang ni Ponggay kaya napatawa sila.
"Hi tita Jema!" Sabi ni Kyle sa akin at niyakap ako.
"Hi pogi." Bati ko naman sa kanya at ginulo ang buhok niya. "Andun sila Ella and Paolo you want to go them?" Tanong ko sa kanya. Tumango tango lang naman siya kaya kinuha ko siya kay Kobe. "Mga ate kayo muna bahala dyan ah dahan dahan lang haha." Sabi ko kila ate Bea.
"Tara Deans!" Sabi nila at hinila na si Deanna. Napatingin naman siya sa akin pero kumindat lang ako sa kanya. Sinenyasan ko naman sila ate Maddie at Ponggay nang 'dahan dahan lang' at tumango naman sila sa akin. Naiintindihan naman siguro nila ung sitwasyon ni Deanna.
Sana lang mag enjoy ka baby ko haha
------
Deanna's POV
"Kailangan mo bumawi sa amin niyan bata ang tagal mong nawala." Sabi ni ate Jho sa akin. Nandito kami ngayon sa may pool area at kahit kakaligo ko lang ay nagswimming na naman ulit ako dahil sa mga former teammates ko daw.
"Uhh di ko naman po alam eh." Sabi ko na lang sa kanila at nagkamot ng batok.
"Haha lam naman namin si Jaycel ung CCTV namin sa iyo eh." Sabi ni ate Bea. Nagtaas baba lang naman ng kilay si Jaycel.
"Musta na Wongskie? Balita namin may WIFEY ka na daw ah." Panunukso sa akin ni ate Maddie kaya napakagat labi na lang ako ng alanganin at natawa bahagya.
"O-okay lang naman ako." Sabi ko na lang sa kanila.
"Queen Falcon pa rin pala ang nais haha." Sabi ni Jules kaya natawa sila. Nakitawa na lang din naman ako.
Nagkwentuhan lang naman kami dito ng kanya kanyang ganap sa but mostly ako ung pinapagkwento nila since sabi nila may contact pa rin naman sila sa isa't isa ako lang ung wala haha.
Naisipan na rin naman namin na umahon at pumunta na sa open function hall kung saan nasa stage si Mafe.
"Good evening guys I want to thank you all for coming to my party so let's just enjoy the night, the dinner buffet is now open so kung gutom na kayo just go there." Sabi ni Mafe.
BINABASA MO ANG
Till The End Of Time
Fanfiction"For worse or for better, We're gonna take it till the end, TILL THE END OF TIME... " After All Book 2 JEDEAN GAWONG FOREVER 💙💗💙💗💙💗💙💗