Konti na lang talaga guys hehe malapit na tayo mag end kaya iyak na huhuhu
Back to Pinas
Deanna's POV
Nakauwi na rin naman kami mula sa one week trip namin sa US. So far, maganda naman ung naging bakasyon namin, we got to spend more time na magkakasama kaming tatlo and we experienced some great adventures outdoor din.
Un nga lang, not every part of the trip was happy,
Di na kami ulit nag usap ni Jema nang maayos after ng pag uusap namin the third day about nga sa gusto niyang masundan si Ella. Tanging tango or iling lang naman siya sa akin tuwing kinakausap ko siya. Nag uusap lang kami nang walang awkwardness kapag nasa harap kami ni Ella pero after that, kapag kaming dalawa na lang ay wala na. Hayyy.
Tulad ngayon,
Nandito kami ngayon sa bahay nila Johnvic dahil it's been a while nung last naming get together ng barkada. It's Friday naman today kaya okay lang na magsleep over dito dahil wala namang work or school bukas. Natutulog na ung mga bata sa taas at tabi tabi sila kaya malaya kaming nag iinuman dito ngayon sa sala haha konti lang naman lights lang.
"Deans ano pupunta ka ba next week?" Tanong sa akin ni Anton.
"Saan?" Tanong ko sa kanya.
"Anong saan ka dyan syempre sa homecoming duh!" Sabi naman ni Marck.
Sht oo nga pala ung homecoming, I totally forgot.
"Oh yeah the homecoming." Nasabi ko na lang. "Siguro?"
Pagkasabi ko nun ay tumingin ako kay Jema at nakatingin din naman pala siya sa akin pero wala akong makitang expression sa mga mata niya kaya umiwas na lamang ako ng tingin.
"Andaya bakit kayo lang may homecoming." Reklamo ni Ricci.
"Edi sana sa Ateneo ka lumipat nung pinatalsik ka ng La Salle haha." Natatawang sabi ni Thirdy sa kanya pero sinamaan lang siya ng tingin ni Ricci.
"Bakit? Kayo ba?" Tanong ko sa kanila. Baka kasi kung maisipan ko pumunta ako lang nandun diba, mukhang malabo pa naman ata isama ung supposed to be date ko.
"Kapag pinayagan syempre haha." Sabi ni Brent kaya napatingin si Anton kay Kyla.
"Anong pinayagan ka dyan syempre kasama ako haha." Sabi ni Kyla kaya napasimangot si Anton. Mukhang ayaw isama ata haha.
"Bakit ikaw ba Jema ddate ka ni boss D?" Tanong ni Ced kay Jema. Napatingin naman ako kay Jema at saktong napatingin naman siya sa akin.
"Di ko alam sa kanya." Sabi lang niya kaya napatingin sa akin ang barkada.
"What?" Inosente kong tanong sa kanila. Tumingin sila kay Jema pero nakatingin lang ito sa sahig kaya bumalik ung tingin nila sa akin.
"Hmm mukhang may nag away sa US ah." Parinig ni Kring.
"Mukhang hanggang dito ata dinala ung pride." Parinig din ni Johnvic. Sige lang guys tuloy niyo yan.
"Mukha-"
"Mukha kang chakadal Celine Elaiza, akin na nga yan matutulog na lang ako!" Sita ni Jema sa kanila sabay agaw ng unan ni Ced at pumunta sa sofa. Pagkahiga niya dun ay tumalikod siya sa amin kaya napaharap naman silang lahat sa akin ulit.
"Ano ba kasing ginawa mo dun?" Tanong ni Ced sa akin.
"Wala!" Pagtatanggi ko naman.
"Ows? Eh bakit parang bumalik na naman yata ung kasungitan niya nawala na yan ah." Tanong ni Kring. Napabuntong hininga lang naman ako.
BINABASA MO ANG
Till The End Of Time
Fanfiction"For worse or for better, We're gonna take it till the end, TILL THE END OF TIME... " After All Book 2 JEDEAN GAWONG FOREVER 💙💗💙💗💙💗💙💗