Sorry guys nadelay lang haha
Continuation
Jema's POV
"Wow swimming again." Sabi ni Anton karating sa resort namin dito sa Laguna.
"Oh bakit ayaw mo? Umuwi ka." Sabi sa kanya ni Kyla kaya natawa kami.
Kararating lang nila a while ago dito sa resort namin sa Laguna and surprisingly kompleto sila haha.
"Oh keys." Sabi ko sa kanila sabay bato ng mga susi ng rooms nila. Syempre karoomie ko ang magdada ko haha.
"Anuba agenda natin today birthday girl?" Tanong ni Ced kay Mafe.
"Mamayang gabi ung party start ng 6 kaya for now enjoy yourselves lang dyan magswimming kayo kung gusto niyo." Sabi ni Mafe. Tumango lang naman silang lahat at nagpaalam na na pupunta sila sa kwarto nila. Hinanap naman ng mga mata ko sila Deanna at nandun lang sila ni Ella na kumukuha ng saresa sa may puno hihi ang cute nila.
"So nakuha mo rin pala ung wish mo." Sabi sa akin ni Mafe kaya napatingin ako sa kanya. "Tara usap muna tayo."
Niyaya niya naman akong maupo dito sa may bench na kitang kita pa rin naman sila Ella.
"Ang cute nila noh?" Tanong ko sa kanya habang nakatingin sa pamilya ko.
"Lukso ng dugo."Sabi niya sa akin. "Kamusta naman kanina haha tinakot mo daw sabi nila mama."
"Luhh ako nga ung nagpupumilit na magrelax lang siya eh haha." Sabi ko sa kanya.
"Anong reaction niya?" Tanong ni Mafe.
"Eh ayun eventually nakasabay naman siya haha." Sabi ko sa kanya.
Flashback
"Oh Deanna kain ka pa." Sabi ni mama kay Deanna at nilagyan pa ng kanin ang plato niya. Nagrequest kasi si mama na tabihan siya ni Deanna kaya wala na akong nagawa huhu ayaw na ako katabi ni mama.
"Ah eh sige po." Nahihiyang sabi ni Deanna.
"Kamusta naman ung anak namin Deans haha di ka ba pinahihirapan?" Tanong sa kanya ni papa.
"D-di naman po." Sabi niya kay papa.
"Alam mo ba nung umalis ka panay iyak niyan samin dito." Sabi ni papa kay Deanna.
"Pa." Sabi ko kay papa at pinandilatan siya ng mata. Napatingin naman sa akin si Deanna.
"Eh nagkaroon ka naman ba ng nobya nung nasa America ka?" Tanong naman ni mama.
"Wala po hehe." Sabi ni Deanna.
"Ayyy mabuti naman kung ganun eto kasing si Jema maiisip pa lang niya un eh kumukulo na agad ung dugo niya.
"Ma kain ka pa oh." Sarcastic na sabi ko kay mama at tinapat ang kutsara ko sa bibig niya since kaharap ko siya. Pinapahiya ako ng parents ko omyghad.
"Buti na lang talaga at nagkita kayo ulit. Tadhana nga naman hayy." Sabi ni mama at parang nagdaydream konti.
"Ganun po siguro talaga." Sabi ni Deanna kay mama at tumingin sa akin pagkatapos sabay ngiti. Nginitian ko rin naman siya.
Tadhana nga ba?
Natapos na rin ang lunch namin at si mama na ung nagprisintang magligpit pero sinamahan naman siya ni Ella. Tumayo naman muna kami nila Deanna at pumunta sa sala ulit pero nakasunod pala sa amin si papa
"Nak pag may kailangan ka pa sabihin mo lang ah libreng libre ka dito sa Galanza residences." Sabi sa kanya ni papa at inakbayan siya.
"Sige po tito." Sabi ni Deanna sa kanya kaya napakunot ng noo si papa. Narealize naman yata ni Deanna kung anong ibig sabihin nun kaya nagsalita siya. "P-papa."
BINABASA MO ANG
Till The End Of Time
Fanfic"For worse or for better, We're gonna take it till the end, TILL THE END OF TIME... " After All Book 2 JEDEAN GAWONG FOREVER 💙💗💙💗💙💗💙💗