Chapter 40

4.9K 152 47
                                    

Warning: It's one sharp dagger in your heart and one tear drop in your eye, braise yourselves

Homecoming

Deanna's POV

It's homecoming tonight at excited ako but at the same time ay nalulungkot ako,

Not for myself, 

But for Jema,

Cause I plan of telling her the truth later already, dahil wala na akong oras.

I'm feeling different lately and I called ate Nicole about that, 

That's when she told me I might not be able to see the day tomorrow, 

Kaya I'll make sure the night tonight will be memorable.

"Dada!" Biglang tawag sa akin ni Ella kaya napaayos ako ng mukha. Nasa sala pala ako ngayon with Ella habang hinihintay naming matapos si Jema na magluto ng lunch. 

Luckily din na walang ginagawa ngayon si Mafe so Ella will be staying at her condo tonight, wala rin naman siyang magagawa dahil utos ng ate niya at trip to Batanes ang kabayaran haha.

"Oh yes baby?" Tanong ko kay Ella.

"Can you put your hand here?" Tanong niya sa akin at tinuro ang isang tray na may paint. "Then press mo there oh." 

Nagtaka naman ako sa sinabi niya at napatingin sa tinuro niya.

"Your hand na lang kulang dada, you paint na." Sabi nito sa akin. Nasa isang canvas kasi ngayon ung isang malaking kamay na I supposed it's Jema's at isang maliit na kamay na kay Ella. 

"Sure." Nakangiti kong sabi kay Ella at ginawa ung pinapagawa niya. 

"Yehey, we complete na!" Masayang sabi nito sa akin. Pinunasan ko na muna ung kamay ko para mawala ung matuyo ung ibang paint, mamaya na ako maghuhugas.

"You put that sa wall ah?" Sabi nito sa akin. Tumango lang naman ako at sinabit ung canvas sa may pader. Di ko maiwasang ngumiti when I saw a simple yet meaningful artwork full of love.

I wish I can see more after all this.

"Ella." Tawag ko kay Ella. Lumingo naman ito sa akin. "Come here."

Lumapit lang naman siya sa akin kaya umupo ako para magkapantay ang mga mukha namin ngayon.

"Promise Dada you'll be a good girl when you grow up ah?" Sabi ko sa kanya. 

"I'm small pa Dada eh, I'm a good girl." Nakangiting sabi nito sa akin kaya napangiti ako.

"Don't leave mommy ah? Love love mo siya." Sabi ko sa kanya. "Kasi Dada loves her very much."

"I love you too Dada." Sabi nito sa akin at niyakap ko. Naluha na lamang ako at niyakap siyang mahigpit.

I'm sorry little one, mahal na mahal ka ni Dada.

Sorry sa lahat ng pagkukulang ko sa iyo,

And sa magiging pagkukulang ko pa.

"Anong eksena niyan hah?" Biglang sabi ni Jema kaya napapahid ako agad ng luha ko. Buti na lang at si Ella ang nakaharap sa may kitchen ngayon kaya di ako nakitang umiiyak nito. Humiwalay lang naman ako kay Ella.

"Inaamoy ko lang ung kili kili niya kasi hmm baho na." Birong sabi ko na lang at kiniliti si Ella. "Take a bath ka na you will go to tita ganda diba."

"Dada I'm not mabaho hmp." Sabi nito sa akin at pumunta kay Jema. Natawa lang naman si Jema at inaya na kami kumain.

It's another great lunch with them,

Till The End Of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon