Chapter 26

5K 175 75
                                    

The next day

Deanna's POV

"Owww!" Agad agad kong sabi pagkagising ko at dahan dahan na tumayo dito sa couch habang nakahawak pa sa likod ko. Tinignan ko naman ung relo ko at buti na lang 7:30 pa lang may oras pa ko.

Tsaka ko lang napansin na may kumot at unan pala ako dito eh sa pagkakaalam ko agad agad lang naman akong humiga dito ah?

Baka linagay po kasi ng asawa mo eh noh. Sabi ng other self ko.

Napangiti na lang naman ako sa thought na un, I guess concerned pa rin naman siya sa akin kahit nagkasala ako sa kanya.

Tinupi at niligpit ko na lang din naman ung unan tsaka kumot tsaka ko lang napansin na ako na lang pala mag isa sa bahay. Hayyy di man lang nila ako hinintay pero sabagay, baka malate din naman sila.

Pumunta na ako sa dining para sana magluto na lang ng breakfast nang may mapansin ako sa mesa na nakatakip at may note doon.

Deanna Wong,

Kainin mo yan for breakfast at yan na rin ung lunch mo. Whole day si Ella sa school ngayon kaya maglunch ka mag isa mo. Umuwi ka agad wag mo na kami sunduin and this time you better be on time. Kapag nauna kami sa iyo sa bahay, sa labas ka na matutulog, mamaya tayo mag usap.

- Jessica

Ang bossy man pakinggan pero natawa na lang ako dahil parang nag iba yata ung ihip ng hangin, kagabi lang galit siya diba?

Kaya imbes na magmukmok ako dito dahil sa nangyari kagabi, kinain ko na lang naman ung hinanda na breakfast ng misis ko pagkatapos ay dali daling naligo at nagbihis na para pumunta sa work.

Okay Deans 5pm labas nila Jema ah take note,

5PM.

So dapat nasa bahay na ako by 4:30pm.

Pagkarating ko sa office, tinabi ko na lang muna ung lunch ko at buti na lang may microwave naman ako dito so iinit ko na lang mamaya. Sad lang kasi di ko kasabay ung mag ina ko kumain pero wala Wong kailangan mo muna magdusa dahil may kasalanan ka.

"Sup boss!" Biglang sabi sa akin ni Jaycel pagkapasok niya at may inabot sa aking folders ng mga staff niya. Kinuha ko lang naman ung mga un at hindi siya pinansin.

"Bad mood ka yata boss? Nag away yata kayo ni misis haha." Sabi niya sa akin at umupo sa harap ko.

"Umalis ka nga!" Pagtataboy ko sa kanya pero hindi naman siya umalis.

"Alam mo boss D walang away ung di nadadaan sa sorry." Seryosong sabi niya sa akin kaya napatingin ako sa kanya. "Eh kilala ko naman si ate Jema di ka matitiis nun."

"Di nga ko pinatulog sa kwarto." Sabi ko sa kanya kaya natawa siya nang konti.

Flashback

Pagkatapos kong kumain mag isa dahil nga galit ung dalawa kong kasabay dapat ay umakyat na ako papunta sa kwarto namin ni Jema pero laking gulat ko nang nakalock ito kaya kinatok ko siya.

"Jema? Jema buksan mo naman ung pinto oh!" Sigaw ko mula sa labas.

"Lumayas ka matutulog na ko!" Sigaw niya sa akin.

"Jema naman please usap tayo oh buksan mo ung pinto." Sabi ko pa rin sa kanya.

"Dyan ka sa baba matulog." Sabi lang niya sa akin.

"Ehh bakit ayaw mo ba ko katabi huhu tsaka paano ako magbibihis?" Sabi ko pa rin sa kanya.

"Sumigaw kang darna baka sakaling matanggal yang mga damit mo." Sarcastic na sabi niya sa akin. Napasimangot na lang ako at napayuko.

Till The End Of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon