"Thanks God at nakapasa pa ko sa pagsasanay eury, papasok ka sa frontier kaya papasok din ako" sabi ni sue sa kaibigan.
"Yea, yun naman talaga ang goal ko kaya pinagbutihan ko ang pagsasanay at ngayon alam kung may sapat na lakas na ako para patayin ang mga higanteng yun. Ayoko ng maulit ang nangyari noon" sabi ni eury. Ang kahinaan nya... simula ng mangyari ang kinatatakutan ng lahat, ang pagkamatay ng mga magulang nya ng ng libo libong mamamayan.
FLASHBACK...
"Mom!" sigaw ng batang si eury ng makita ang inang nasasaktan dahil ito ay naipit sa malaking tipak na bato. Dali dali itong nagtungo sa ina para tulungang maalis ito.
"Mommy! " sigaw na tawag din ng batang si tamara at tumakbo para tumulong din. Habang pinagtutulungan ng kambal na alisin ang malaking bato na umiipit sa ina ay nakaramdam sila ng pagyanig ng lupa kaya naman sa pag angat nila ng tingin ay nakita nila ang higanteng papalapit sa kanilang puwesto.
"Mga anak, tumigil na kayo at tumakbo" utos ng lumuluhang si michelle.
"No! Tutulungan ka namin mom! " umiiyak na turan ng batang si eury at piling binubuhat ang malaking topak na bato, tumutulong din ang batang si tamara na walang tigil sa pagluha.
"Michelle! " sigaw ng kakadating na si Fred, ang kapatid ni Michelle at tiyuhin ng kambal. Ito ay ang commander ng defense hunters.
"Uncle tulungan natin si mommy! " nagmamakaawang sabu ng batang si tamara kaya tumulong na din si Fred sa pagtanggal ng malaking topak ng bato. Hinawakan ni Michelle ang kamay ng kanyang kapatid at nginitian.
"Ilayo mo na sila kuya, Ito ang kapalaran ko at wala na tayong magagawa kaya sige na, itakbo mo na ang mga pamangkin mo. Wala ng oras at nagpapagod lang kayo" sabi ni michelle pero nahihimigan ang lungkot sa boses nito at ang pagod nito.
"Pero michelle" apila ni fred na mukhang di din sang-ayon sa desisyon ng kapatid nya pero nakikita nya ang nangungusap sa kulay abong mga mata ng kapatid kaya walang nagawa si fred at binuhat ang kambal at akmang aalis na sila pero mahigpit ang kapit ni eury sa ina.
"Mom! " nagmamakaawang iyak ni eury at nakikita ni michelle ang lungkot sa mata ng kanyang anak, may kinuha si michelle mula sa bulsa nito. Isang gintong likido sa loob ng isang syringe at itinutok kay eury saka tinanguan si fred para tumakas na.
"Stop uncle si mommy! Uncle please tulungan natin si mommy! " nagpupumiglas na sigaw ng lumuluhang si tamara habang si eury naman ay hindi makapiglas dahil sa nanghihinang katawan katawan nito, epekto ng itinurok ni michelle.
"Eury, tamara. Live on, mahal ko kayo mga anak" mahinang bulong ni michelle hanggang sa nasa harap na nya ang higante at ipinaubaya ang sarili na kunin ng higante at nasaksihan ni eury kung pano kainin ng higante ang ina bago ito unti unting kainin ng kadiliman.
END OF FLASHBACK
"Frontier hunter? Pang 8 ka dustin? Akala ko sasali ka sa Royal Hunter?" Takang tanong ni sue dito at nabalik lang sya sa wisyo. Nasa taas sila ng gusali at nagmamatyag.
"Mukhang may malaking epekto ang mga sinabe ni eury kahapon ah" sabi ni kite na natatawa at lumingon sa lupaing prinoprotektahan nila.
"Sh-shut up! Sariling desisyon ko to!" Utal na sagot ni dustin na nginisian ni kite.
"Uhm guys... kumuha ako ng konting karne mula sa office pantry" sabat ng kadadating lang na si heather dala ang karneng kinuha nito.
"Heather! Gusto mo bang makulong!" Sigaw ni eury dito maski ang mga kasama nila ay nagulat din.
"It's okay... hahatiin na lang natin to mamaya and besides marami pa tayong makukuha mamaya pag nakuha na natin ang ibang lupain" cool na sabi ni heather na parang wala lang.
"Huh?" Tanging usal ni eury dito. Si heather ang pinaka maloko at bespren sila ni kite. Si dustin ang pinaka mayabang habang si rai ang pinakatahimik.
"So magcecelebrate pala tayo, okay then kakain din ako" sagot ni rai ang pinaka seryosong miyembro.
"Kukuha din ako sa office pantry mamaya" masayang pahayag ni kite.
"What the hell?!" Usal ni eury at napailing na lang sa mga kagrupo nya. Nang biglang sa isang iglap ay may napakalaking higante ang bigla na lang lumitaw sa likuran nila. Ang lahat ay nagulat dahil dito habang napatayo naman si sue na kanina pang tahimik na nakamasid sa mga kagrupo nyang nagbibiruan.
"A-ano yan.." utal na usal ni eury sa pagkakagulat at ng mabalik ito sa wisyo ay agad itong tumalon para patayin ang higante ngunit bago nya pa ito magawa ay nasira na ang gate at naglaho bigla ang malaking higante.
"Nasira ang tarangkahan! Protektahan ang nayon!" Utos ni sue kaya agad silang naghiwa-hiwalay. Pinapatay nila lahat ng higanteng nakakasalubong o humaharang sa daan nila. Habang nakikipaglaban si sue ay di nito alintana ang higante sa likod nya kaya nagulat ito.
"Bakit hindi ako makagalaw?" Mahinang usal nito sa sarili habang hawak sya ng higante. Nakita ni eury na hawak si sue ng higante kaya dali dali itong pumunta sa pwesto nila.
"Sue!" Sigaw ni eury dito pero di lumingon si sue kaya naman agad itong humawak sa strerope nya at tumalon para iligtas si sue ngunit sa kasamaang palad ay ito naman ang nakuha ng higante.
"Eury!" sigaw ni sue ng matauhan at mabalik sa wisyo.
"Hindi ako pwedeng mamatay ng ganto. Ikaw ang nagturo sakin nito sue. I will go to outside world" sambit ni eury sa kanyang isipan bago ito lamunin ng buo.
"No, eury!" Sigaw ni sue ng pinatay na ni rai ang higanteng kumain kay eury.