Sa lupain ng Parusua ay mayroong tatlong village ang nakatayo. Ang Lant Village na pinamumunuan ni Emperor Cyrus, Ang Mikaleiva Village na pinamumunuan ni Emperor Sebastian at ang Garnedia Village na pinamumunuan ni Emperor Arthur. Sila ang Triumvirate na namumuno sa buong Parusua.
Naninirahan sa Mikaleiva Village ang mag asawang si Michelle at Laurence na may kambal na anak. Ang mag asawang ito ay kapwa siyentipiko na tumutuklas ng iba't ibang uri nang gamot na panlunas sa anumang sakit kung kaya naman ay pinagawaan sila ng sariling laboratoryo ng kanilang emperor. Ipinadala rin ang pamilyang Celestine at pamilyang Ruiz ng dalawang village.
"Magandang umaga mich" bati ni range kay mich nang siya ay makapasok sa loob ng lab at naabutan si mich na busy sa kanilang eksperimento.
"Magandang umaga din range" bati ni mich pabalik at saktong pagpasok ni catherine at sabay itong binate ng dalawa.
"Sa wakas natapos din ang eksperimento" masayang turan ni mich sa dalawa kaya dali dali ang mga itong lumapit kay michelle.
"Subukan natin" sabi ni cath kaya naman kinuha nila ang isang binhi ng halaman at pinatakan ito. Nakita nila ang dahan dahang pagbabago nito na lumalaki hanggang sa naging ganap itong halaman. Namamangha naman ang dalawa na si cath at range ng aksidenteng natapon ang pulang likido sa halaman at biglang nabuhay ang halaman na nangangagat.
"Anong ginawa mo? You're careless!" Pagalit na sigaw ni range dito kaya naglapitan ang kanilang mga asawa sa pwesto nila at nagulat sa nakitang halaman.
"Pwede natin itong ibenta, yayaman tayo!" Usal ni cath na namamangha at nangungumbinsi sa mga kaibigan.
"Nahihibang ka ba? Hindi pwede" tutol ni michelle at agad nilang itinago ang giant antidote ngunit hindi nila alam na may kinuha si cath. Kahit naguguluhan ang mga asawa nila sa pagtatalo ng tatlong babae ay pinutol nila ang ulo ng halaman hanggang sa tuluyan itong malanta.
"Yeah right, magkampihan kayo! I quit" sigaw ni cath sa dalawa at padabog na umalis sa lab kasama ang asawa.
Sa bahay naman nila mich ay naglalaro ang mga anak nila sa sala. Si eury ay tahimik na nakaupo sa sofa nila habang naglalaro ng Giant Hunter na nakakonekta sa kanilang telebisyon habang ang kanyang kambal na si Tamara ay naglalaro ng manika kasama si rare at catliyah.
"Eury halika rito, let's play" pag aaya ni tamara sa kambal niya.
"No" tanging sagot lamang nito at hindi alintana ang kapatid.
"Ano ba 'yang nilalaro mo?" Tanong ni rare at naupo sa tabi ni eury.
"Just watch" sagot nito kay rare kaya ito ay napanguso. Tumigil na rin si catliyah at tamara sa paglalaro at pinanuod si eury.
"Are you really that cold?" Tanong ni catliyah sa kanya ngunit wala itong nakuhang sagot mula kay eury. Nang aatake na ang higante sa karakter ni eury ay nagtitili ang tatlo na kinaiinisan ni eury dahil sa ingay.
"Will the three of you shut up tss" masungit na suway ni eury sa tatlo kaya tumahimik na sila. Pagkaraan ng ilang minuto ay dumating ang ina ni catliyah.
"Catliyah halika na" sabi ni cath sa anak nito kaya nagpaalam na si catliyah sa mga ito at tahimik na sumunod sa ina.
Makalipas ang ilang taon. Nabalitaan na lamang nila michelle at range na naging mayaman sila catherine na ikinagulat nila. Nagsulputan ang mga hindi pangkaraniwang higanvirous na naging sanhi nang pagkamatay ng magulang ni eury at tamara at ang pagkamatay ng libo libong mamamayan. Ang mga nakaligtas ay dinala sa pinakamataas na bundok ng mikaleiva. Ang mga matatandang babae ang siyang nagsisilbi at naghahanda ng makakain nila samantalang ang mga matatandang lalake ang nangangaso, ang mga natitirang malalakas ang siyang sinasanay upang lumaban kung sakaling lumusob ang mga higanvirous at upang maging handa sila rito.