PROLOGUE

223 2 0
                                    

"Mom!" sigaw ng batang si eury ng makita ang inang nasasaktan dahil ito ay naipit sa malaking tipak ng bato. Dali dali itong nagtungo sa ina para tulungang maalis ito.

"Mommy! " sigaw na tawag din ng batang si tamara at tumakbo para tumulong din. Habang pinagtutulungan ng kambal na alisin ang malaking bato na umiipit sa ina ay nakaramdam sila ng pagyanig ng lupa kaya naman sa pag angat nila ng tingin ay nakita nila ang higanteng papalapit sa kanilang puwesto.

"Mga anak, tumigil na kayo at tumakbo" utos ng lumuluhang si michelle.

"No! Tutulungan ka namin mom! " umiiyak na turan ng batang si eury at pilit binubuhat ang malaking tipak na bato, tumutulong din ang batang si tamara na walang tigil sa pagluha.

"Michelle! " sigaw ng kakadating na si Fred, ang kapatid ni Michelle at tiyuhin ng kambal. Ito ay ang commander ng defense huntres.

"Uncle tulungan natin si mommy! " nagmamakaawang sabi ng batang si tamara kaya tumulong na din si Fred sa pagtanggal ng malaking tipak ng bato. Hinawakan ni Michelle ang kamay ng kanyang kapatid at nginitian.

"Ilayo mo na sila kuya, Ito ang kapalaran ko at wala na tayong magagawa kaya sige na, itakbo mo na ang mga pamangkin mo. Wala ng oras at nagpapagod lamang kayo" sabi ni michelle pero nahihimigan ang lungkot sa boses nito at ang pagod nito.

"Pero michelle" apila ni fred na mukhang hindi rin sang-ayon sa desisyon ng kapatid nya pero nakikita nya ang nangungusap sa kulay abong mga mata ng kapatid kaya walang nagawa si fred at binuhat ang kambal at akmang aalis na sila pero mahigpit ang kapit ni eury sa ina.

"Mom! " nagmamakaawang iyak ni eury at nakikita ni michelle ang lungkot sa mata ng kanyang anak, may kinuha si michelle mula sa bulsa nito. Isang gintong likido sa loob ng isang syringe at itinutok kay eury saka tinanguan si fred para tumakas na.

"Stop uncle si mommy! Uncle please tulungan natin si mommy! " nagpupumiglas na sigaw ng lumuluhang si tamara habang si eury naman ay hindi makapiglas dahil sa nanghihinang katawan nito, epekto ng itinurok ni michelle.

"Eury, tamara. Live on, mahal ko kayo mga anak" mahinang bulong ni michelle hanggang sa nasa harap na nya ang higante at ipinaubaya ang sarili na kunin ng higante at nasaksihan ni eury kung pano kainin ng higante ang ina bago ito unti unting kainin ng kadiliman.


"I'll go strong and I myself will eliminate those bunches of giants"
-Eury Parker.

The Giant Slayer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon