Dumating ang araw ng graduation para sa mga huntres at huntresses na nakapasa sa trainings. Ang lahat ay nagtipon tipon sa isang gusali at nasa harap nila si captain rios.
"Devote your lives to the cause! Sa araw na to, sa lahat ng matatawag na huntres ay may tatlong pagpipilian. Frontier Huntres, Back ups Huntres at ang Royal Huntres" paalala ni captain rios.
"Nagawa ko! Sa araw na to isa na ko sa magliligtas sa mundong to" sabi ni eury sa kanyang isip habang inaanunsyo na ni captain rios ang mga nakapasa at isa sila ni sue na natawag habang si tamara naman ay itinalagang leader ng buong pangkat ng Frontier Huntres. Napadaan naman bigla si eury sa harap nila hiroshi at ang kaibigan nitong si caiden na may pinag uusapan.
"Mabubuhay akong nagsisilbi sa mga hari! Caiden pareho tayong sasali sa royal huntres! Isang ligtas at mapayapang buhay dito sa loob" masayang turan ni hiroshi sa kaibigan.
"Oo, isa itong karangalan na maglingkod sa hari" masaya ding tugon ni caiden kay hiroshi.
"Still the wise guy diba! Sabihin mong hindi totoo!" Natatawang sabi ni hiroshi sa kaibigan at pareho silang nagtawanan.
"Hey hiro, Hindi mo ba naiisip na kalokohan ang iniisip mo? Polishing your killing skills to giant para lang makalayo?" Ngisi ngunit seryosong pahayag ni eury dito.
"Ano bang sinasabe mo? Yun ang paraan. Ang nakakalokong paraan na sinasabe mo ang syang magliligtas samin" sagot ni hiroshi at humarap kay eury.
"Tss duwag" pang aasar ni eury dito at nabahala si caiden dahil alam nyang gulo ang mangyayari.
"This is the reason kaya madaming namatay na mga mamamayan apat na taon ang nakalipas. Lahat tayo ay walang laban sa mga higanteng yun" galit na singhal ni hiroshi kay eury ngunit inalis lang nya ang kamay na nakahawak sa kanya.
"Sumusuko ka na kasi sa tingin mo ay hindi tayo magtatagumpay? Siguro nga ay natalo tayo dati pero dahil wala tayong alam sa mga higanteng sumalakay. Natalo man tayo noon pero ngayon ay hindi na dahil may alam na tayo at binigyan ako nito ng pag asa. Ikaw, talaga bang aabandunahin mo lahat ng kakayahan mo at magtatago sa likod ng pader na to para sa sarili mong kaligtasan? I'd rather die for many than run for my responsibility. A selfish coward like you is worthless" mahabang sagot ni eury sa seryosong tono at lahat ng nasa pagdiriwang ay napalingon na sa pwesto nila hiroshi at eury.
"Kung talagang desperado kang lumabas mula sa pader na to. Then go alone! Magpakamatay ka kung gusto mo!" Sigaw ni hiroshi at napangisi lang si eury dito.
"Aalis talaga ako para patayin silang lahat. Papasok ako sa frontier at babalik akong matagumpay" sabi ni eury at umalis na para hanapin ang kaibigan na si sue.