4 Years Later...
"Anong problema huntres! Andito lang ba kayong lahat para aksayahin ang oras ko?! Simpleng giant illusion lang di nyo pa matalo?! Makinig lahat! Kung hindi kayo magsasanay mabuti ay magiging pagkain kayo ng higante! Trabaho nyong magsanay ng mabuti! " pagalit na sigaw ni captain rios sa lahat ng huntres pagkatapos ng pag eensayo. Si eury, tamara at sue ay isa sa mga nag eensayo.
"Kung masasanay ko ang sarili ko sa armas na to ay magiging madali na lang ang pagtapos sa mga giant illusion na yun. Magiging malakas ako at uubusin ko lahat ng higanteng pumatay sa mga magulang namin" sabi ni eury sa isip habang nakatingin sa hawak nitong armas.
"Okay! Maghanda ulit!" Sigaw ni captain rios at umalis saglit. Napaupo naman si sue sa lupa pag alis ng strikto nilang captain.
"Pagod na ko, I need to rest a bit" sabi ni sue at nagpahinga saglit habang minamasahe ang kanyang mga paa at braso dahil maghapon silang nag eensayo ng biglang dumating si rei.
"Eury, nakalimutan mo na ba ang mini-directional mobility?" Tanong ni rei at humarap naman si eury dito. Ang mini-directional mobility ay ang kaalaman kung pano patayin ang mga higante na itinuturo sa kanila bago sumabak sa ensayo.
"Hindi naman, but i like the odds against you in hand to hand combat rei" ngising saad ni eury kaya napangisi na din si rei sa kahanginan na taglay ni eury.
"Hindi bat natalo ka na ni catliyah noon" balik na saad ni rei ng mapadaan ang pinag uusapan nilang si catliyah.
"I'd be more than happy to do it again" biglang sabat nito sa dalawa sa kanyang maarteng pananalita. Naging magkakaaway sila mula ng magkita kita sila, si rare lang ang hindi nila nakita at hula nila'y patay na ito.
"You always keep your cool, catliyah" puna ni sue dito ng biglang dumating si hiroshi kasama ang kanyang grupo.
"A hand to hand combat won't make the grade, whatever" sabat ni hiroshi at ngumiti naman ng alanganin si maru sa inasal at sinabe ng kanyang kaibigan.
"Talaga bang ang mapasama sa mataas na rango lang ang mahalaga sayo hiro?!" Sagot ni eury at lumingon dito ng may malamig na tingin.
"Ofcourse dahil tanging ang top 10 lang ang mapupunta sa huntre reinforcement. Ang mga magagaling na estudyante lang ang mabubuhay sa likod ng mga pader na yan. Tama ba ko?" Nakangising saad nito at naging alerto naman sila ng dumating si tamara at iyon ang nadatnan.
"Assh*le! Ano sa tingin mo ang lahat ng training na to?!" Singhal ni eury kay hiroshi na nang aasar. Kahit naguguluhan si tamara ay naging alerto din ito dahil alam nyang short tempered ang kapatid, napatayo na din si sue na nagpapahinga.
"Ano yun?" Pang asar na tanong ni hiroshi kaya agad itong kwinelyuhan ni eury.
"Kayong dalawa! Huminahon kayo!" Pag aawat ni rei sa dalawa at pilit silang pinaglalayo. Nagtagumpay naman silang paghiwalayin ang mga ito.
"Walang patutunguhan ang lahat ng trainings natin kung lalayuan mo ang tungkulin mo!" Singhal ni eury at muling kwinelyuhan si hiroshi.
"Nagpapapakatotoo lang ako! Hindi ako tanga para ilagay ang sarili ko sa kapahamakan. Hindi ako isang tangang tulad mo!" Sigaw ni hiroshi kay eury at pabalyang inalis ang pagkakakwelyo sa kanya.
"Eury stop!" Awat ni tamara sa kapatid ng akmang kwekwelyuhan ulit si hiroshi.
"Ugh damn!" Inis na singhal ni hiroshi at saka umalis sa lugar na yun.
"Hey hiro!" Tawag ni heather at alanganing ngumiti kela eury at saka sumunod sa kaibigan. Naiwan naman si eury, tamara, sue at rei na nakatingin sa dinaanan ni hiroshi.
"Gusto mong pumasok sa frontier huntres hindi ba?" Tanong ni rei dito at sa sumunod na sinabe ni eury ay nagulat ito.
"Yea... papatayin ko silang lahat" sagot ni eury sa walang emosyong tinig