CHAPTER 5

10.1K 212 20
                                    

CHAPTER 5

PAGSAPIT NANG UMAGA ay nag-agahan muna sila ng tinapay saka kape bago nag-impake pauwi. Ang mga boys ang nagtanggal at nagtiklop ng tent, habang silang dalawa ni Patricia ang nagpulot ng kanilang mga kalat saka tinapon 'yon sa basurahan.

Nang maayos na nilang lahat ay sabay-sabay silang bumaba ng bundok.

"Candice."

Napatigil siya sa paglalakad nang tawagin siya ni Greek. Humarap siya sa binata. Nilapitan siya nito.

Bahagyang lumayo ang mukha niya nang lumapit ito sa kanya. "Hickeys ba 'yan?" Turo nito sa leeg niya.

Nanlaki ang kanyang mata saka tinakpan 'yon gamit ang kamay. Hindi niya 'yon matatakpan gamit ang buhok dahil maikli ang buhok niya. Saglit siyang bumaling kay Azrael ngunit hindi ito nakatingin sa kanya at tuloy lang ang paglalakad. Nilagpasan siya nito.

Lumunok siya. "Baka kagat ng lamok o langgam," sagot niya, hindi niya pinahalata na kinakabahan siya.

Tila naniwala naman ito at naglakad na ulit. Nakahinga siya ng maluwag. Tatakbong lumapit sa kanya si Patricia.

Nagtutudyo ang ngiti nito. "Sabihin mo sinong may gawa niyan? Si Azrael ba?"

Mabilis siyang umiling. "Hindi, noh. Ano bang sinasabi mo?" Uminom siya ng tubig sa bottled water na dala niya. "Kung ano-ano ang iniisip mo." Peke siyang tumawa.

Kinulbit siya nito sa tagiliran. "Sabihin mo na kasi. Tayo lang ang makakaalam."

"Hindi nga," giit niya. "Kagat lang 'to ng lamok. Malamok kaya kagabi. Hindi mo ramdam?"

"Sabi mo, eh, pero ang dami ngang lamok kagabi."

Nagkwento pa sila ni Patricia habang nag-uusap na hindi niya namalayang nakababa na pala sila. Sumakay sila sa van na dala nila. Iniwan nila ito sa parking lot. Si Calden ang nagmamaneho habang katabi nito sa front seat si Patricia. Sa pangalawang upuan ay si Greek at nilagay nito ang kanilang mga bag sa tabi nito. Sa likod siya puwesto habang katabi niya si Azrael at si Lean. Gitna nilang dalawa ni Lean ang binata. Nagulat pa nga siya ng tumabi sa kanya si Azrael. Kahapon kasi ito ang nag-drive habang katabi nito si Lean sa front seat.

Hindi niya pinansin ang binata. Kinuha niya ang kanyang iPod sa sling bag niya saka headphone at sinalpak 'yon sa tenga niya. Nakikinig siya ng music habang tumitingin sa labas ng bintana.

Si Greek ay tulog na tulog habang unan ang bag nito habang ang dalawa sa harap ay nag-uusap. Si Lean din ay tulog na nakaunan sa balikat ni Azrael.

Hindi niya magawang lingunin ito dahil naiisip niya baka sa kanya ito nakatingin. Wala siyang mukhang ihaharap dito dahil sa nangyari kagabi. Nag-init ang kanyang pisngi nang maalala niya ang paghalik nito sa leeg niya. Mabuti na lang ay pinahiram siya ni Patricia nang panyo nito kanina habang naglalakad sila upang pangtaklob sa kanyang leeg.

"Little girl."

Nanayo ang balahibo ni Candice sa pagbulong ni Azrael sa kanya. Bumulong ito malapit sa tenga niya. Hindi siya nagsalita. Hinintay niya ang sasabihin nito.

"I'm sorry."

Kinuyom niya ang kanyang kamay na nasa kanyang hita. Humihingi ba ito ng tawad dahil sa paghalik nito sa kanya? Nagsisisi ba ito na ginawa nito 'yon?

Kung nagsisisi ito dapat hindi na lang niya ginawa 'yon. Hindi naman niya kagustuhan 'yon kahit iba ang sinasabi ng puso niya.

"Okay lang," wika niya nang hindi ito tinapunan ng tingin.

Napatingin siya sa kamay ni Azrael nang hawakan nito ang nakatikom niyang kamay. Hawak lang nito 'yon. Hindi nito pinagsiklop ang kanilang mga daliri.

SPG 4: SECRET PLEASURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon