Verse 1

132 78 78
                                    

A/N

This is a work of fiction. I do not own any rights to the songs that will be featured, nor do I claim it as my own. It is simply used for entertainment purposes for the readers as well as to promote the material used. I highly recommend listening to it in order to support the artist and to feel the vibe of the story.

Enjoy the songs while reading!

Support Local.

Mabuhay ang OPM!

*****

Kabanata 1

Oh..
Oh..
Oh...

Now playing: Fools by The Ransom Collective

Eventually we'll fall asleep, and dream about these past three weeks
Or lie awake and dedicate, our thoughts to finding what it means
But when it is all said and done
I can't think of anyone else

Nothing is just as it seems, at least that what it seems to me
And everybody has a path, but some will walk reluctantly
Well you can throw your map away
'Cause I'll be here another day or two

Hope will take its toll
And ignite your sou-

"Ano ba nakikinig ka ba?!" Naputol ang soundtrip ko nang hablutin ng nanay ko ang wire ng earphones ko. Nakalmot niya pa ang pisngi ko. Aray naman.

Pano ba naman ang haba ng kuko, feeling dalaga.

"O ayan nakalmot tuloy kita! Makinig ka kasiiii" Walang imik lang akong lumingon sa kaniya.

"Ganito yan, mamaya pag dating ni ano dapat di mo sasabihing.." Di ko na inintindi ang sinasabi ni mama at tumingin nalang ako sa bintana ng bus. Walang katapusang biyahe papuntang Maynila. Papunta kaming NAIA para sunduin ang foreigner niyang jowa.

"Naiintindihan mo ba? Huyy"

"Opo, Ma."

Ewan ko sayo. Di ko maseryoso si mama ngayon. Sobra akong inaantok. Ikaw ba naman, sa loob ng dalawang araw wala na kaming ibang ginawa kundi mag impake. Ang sabi ni mama lilipat na kami dito sa Maynila at titira kasama ang kaniyang jowa.

Nabigla ako sa desisyon nilang to. Hindi ko nga kilala yang jowa ni mama, ni hindi ko pa nga nakikita. Kaso wala rin naman akong choice kundi sumama.

Mula pagka-bata, marami-rami na rin ang lalakeng dumaan sa buhay namin kaya wala rin akong permamenteng tahanan. Sabihin nalang natin na malas si Mama sa lovelife dahil lahat ng naging jowa niya nauuwi sa hiwalayan. Pero sabi nga niya "Life is short so we need to move on" naks.

Di ko na rin nakilala ang papa ko. Di naman nagkwe-kwento si mama tungkol sa kaniya.

May Daddy ako, yung asawa ni mama. Siya nag tayo na father figure ko mula pagkabata. Kaso nung six years old ako naghiwalay sila ni mama at umalis siya kasama ang kuya ko. Oo may kuya ako.

Noong naghiwalay sila ni daddy, sinundo niya pa ako paminsan-minsan at nagbabakasyon kami kasama si kuya. Pero isang araw hindi na niya ako sinundo. Hanggang sa iba-ibang lalake na ang kinakasama ni mama, syempre dala dala niya ako.

Madalas rin kaming hindi magkasundo ni mama dahil mula pag kabata sinisisi ko siya sa pag alis nila daddy at kuya. Dati gumagawa ako ng mga paraan para maghiwalay sila ng mga boyfriend niya dahil ayoko sa kanila. I always held on the thought na magkakabalikan pa sila ni daddy.

In Pursuit of PassionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon