Kabanata 8
"TANGINA MO DOX!"
Napasigaw ako nang bigla niyang pinaharurot ang motor. At dahil hindi ako nakakapit sakaniya, muntik na akong tumilapon.
"HAHAHAHA"
Hinampas ko ang helmet niya. "Aray ko, gago"
Hindi na ako maka-imik dahil nag focus ako kung pano ko pipigilan ang gravity para hindi ako malaglag. Tangina kasi nitong si Dox! Mas gusto ko pa mag lakad!
Nang makapasok na kami sa LSU parang nabunutan ako ng tinik. Bumuntong hininga ako at nag pasalamat sa diyos na buhay pa ako!
Agad ako bumaba at naglakad palayo.
"Huy" tawag sakin ni Dox.
Ewan ko sayo.
"Sige pumasok ka dun na nakahelmet"
Natigilan ako sa paglakad at hinawakan ang ulo ko. Nakahelmet pa nga ako.
Nagpipigil siya ng tawa kaya ako rin napapigil ng tawa dahil sa katangahan ko. Tinanggal ko yun at hinagis sa kaniya.
"Oh bat ka galit"
"Wala lang" sarkastiko kong sagot.
Nauuna ako sakaniya pero natigilan rin ako nang makita kong marami palang tao sa gym.
"Bakit?" Aniya.
"Akala ko kayo kayo lang bat parang may liga" saad ko habang naka tanaw sa dami ng tao sa bleachers. Intrams ba nila? Shuta andaming tao.
"Di ko alam. Normal naman yan" sagot niya at naglakad papasok.
"Huy teka" hinabol ko siya. Pagkapasok namin nabaling samin yung atensyon ng mga tao.
"Hi Dox!"
"Dox, picture tayo please!"
"Dox tingin ka dito"
Napataas ang kilay ko. Wtf? Artista ba si Dox? Ano yan fans?
"Diba siya yung sa Pub?" Narining kong sabi ng daanan namin ang grupo ng kababaihan. Ang sama ng tingin nila sakin. Inaano ko ba sila??
"Anong meron? Artista ka ba??" Sabi ko sakaniya.
Natawa lang siya at umiling. "Nope, gwapo lang talaga. Hahaha"
I cringed.
Napansin ko na nagsisimula na pala yung laro. Maingay ang mga tao at maririnig mo ang pag spike ng sapatos ng mga manlalaro. Na mataan ko si Kuya at si Naffy sa court natumatakbo habang nasa kabilang panig ang bola. Tumango si kuya nang makita ako at si Naffy naman nag wave.
Inikot namin ang court dahil nasa kabilang side pa ng gym yung bench ng team nila. Bigla ko lang naisip, diba maglalaro din si Dox? So sino kasama ko??
"Tagal mo gago" narinig ko yung boses ni Owie. Napalingon ako at nang mag-tama ang tingin namin napangisi siya. Wait, sakin ba siya ngumisi?
"Haha, mag bibihis lang ako" tugon ni Dox sakaniya. Bumaling naman siya sakin.
"Ayun si Mel oh, puntahan mo bihis lang ako" sabi niya at nag-jog palayo.
Nakita naman ako ni Mel kaya sinenyasan niya ako. Lumapit ako pero ansama talaga ng tingin sakin ng mga nadaraanan kong babae. Napalunok ako.
"Hi, Renae!" Bati ni Mel. Umupo ako sa tabi niya at bumati rin ng hello.
"San kayo galing? Tagal niyo" Tanong niya.
BINABASA MO ANG
In Pursuit of Passion
Teen FictionBound by broken starts, music becomes the foundation of their friendship, hopes, and struggle. Heavily influenced by indie/OPM artists 🎶 Support local, mabuhay ang OPM! 🇵🇭 TEEN-FICTION || TAGLISH ON-GOING