Kabanata 7
"Wala akong susi!"
Nahinto naman si Dox at humarap kagad sakin. "Di ka humingi ng duplicate kila Rene?"
"Sasabihin ko ba na wala akong susi kung nakahingi ako?" Hindi ba obvious, Dox?
"Aba pilosopo, balaka sa buhay mo" tumalikod siya at umambang aalis kaya pinigilan ko siya.
"Huy joke lang ito naman di mabiro"
Bumelat siya. "Heh, dami mong ebas. Tara sama ka lang muna sakin"
Wala rin naman akong ibang mapupuntahan kaya sumama nalang ako sakaniya. Tinext ko rin si pero hindi siya sumagot. Baka busy pa nga.
Nakarating kami sa apartment ni Dox. Nakakahingal rin mag akyat panaog sa hagdan. Nasa fourth floor rin kasi ang unit niya.
"Kulang kalang sa excercise, haha" aniya.
"Hindi kaya" woooh. Bumuga ako ng hangin habang binubuksan niya ang pinto. Pagkapasok ko umupo na agad ako sa sofa. Kapagod.
May kinuha si Dox sa kuwarto at dinala sakin.
"Para san yan?" Tanong ko nang ilapag niya yung laptop sa tapat ko.
"Nuod ka lang muna jan mag aayos lang ako ng kalat" tugon niya.
"Ayyy wala kang tv?" biro ko.
"Mukha ba akong may pambili ng tv?"
"Weh, wala kang pambili? Nakatira ka nga sa apartment e"
Natawa siya pero parang sarcastic lang yun. "As if may choice ako."
Hindi ko talaga ugali mangialam pero hindi ko napigilan itanong. "Bakit?"
"Wala naman kasi akong kamag-anak dito sa manila, so san ako titira?" Sabi niya habang ino-on yung laptop.
"Taga san ka ba?"
Ang ine-expect ko taga probinsya siya or what. Pero yung sagot niya grabe ang layo!
"Leyte"
"San sa Leyte?" I got curious. I remembered something.
"Sa Tacloban. Bakit, nakapunta ka na dun?" Tanong niya. Umiling ako at mariing napa-pikit.
Tacloban City, ang lugar na pinag-ugatan ng lahat ng kalungkutan ko nung bat pa ako. Naalala ko pa kung paano sinampal ni Auntie Berna si mama sa harap naming magkapatid at pinagsigawan na kerida ang nanay namin.
Ang malala pa dun, ama ko daw ang binabalik-balikan niya dun.
Noong gabing yun iyak lang ako ng iyak. Tinatahan ako ni kuya nang bigla siyang hinatak ni auntie Berna palayo sakin at sinagaw na ako ang bakas ng pagtataksil ng aking ina.
Ni minsan hindi kinumperma o tinanggi ni mama yung paratang na yun sa kaniya. Buong komprontasyon na yun nakaluhod lang siya at nagmamakaawa kay daddy na huwag siyang iwan. Pero ang nangyare, hiniwalayan parin siya.
"Huy!" Pumalakpak ng isang beses si Dox sa mukha ko.
"Nagulat ako tae ka" sabi ko at napasapo saking dibdib.
"Hahaha lutang ka e. Bakit? Anong nasa isip mo?"
"So taga Tacloban ka talaga?"
Ngayon lang ako nagkaroon ng kilala na taga dun kaya curious ako. Ang Tacloban ay isang siyudad ng Leyte sa Eastern Visayas. Napakalayo nun kaya nagtataka din ako bakit dito siya nag-aaral kung taga dun naman siya.
"Well, I was born and raised there. Pero mahabang kuwento. Ikaw? Bat curious ka sa Tacloban?"
"Long story rin" tugon ko. Bumaling ako sa laptop na in-alt tab niya kaagad pagkabukas. Nag patay malisya lang ako kasi akala niya siguro hindi ko nakita ang nakabukas na website.
BINABASA MO ANG
In Pursuit of Passion
Teen FictionBound by broken starts, music becomes the foundation of their friendship, hopes, and struggle. Heavily influenced by indie/OPM artists 🎶 Support local, mabuhay ang OPM! 🇵🇭 TEEN-FICTION || TAGLISH ON-GOING