Kabanata 3
Walking distance lang naman ang distansya kaya nilakad lang namin.
"Talaga? So dito na rin siya mag aaral?" Sabi ni Naffy habang naglalakad kami.
"Naririnig kita" wika ko. Pinag uusapan nila ako na para bang hindi nila ako kasama. "hELLO?"
Tinawanan niya lang ako.
Pumasok kami sa isang establisyemento. May signage na umiilaw sa labas. The Pub.
Isa itong restobar.
Aesthetically pleasing ang loob dahil sa 90's vibe na disenyo nito. Tumungo kami sa isang booth kung saan naghihintay daw ang mga kaibigan ni kuya.
"skkskkk...." Nagawi ang tingin ko sa entablado na pinagmulan ng maingay na tunog ng mikropono. May tutugtog yata.
"Sorry guys. Hi this is Owie and welcome to the Pub." wika nito sa isang baritonong boses.
Parang pamilyar yung boses na yun ah?
(Play the vid to feel this part)
Now Playing: Body and Soul by Jason Dhakal
Ngumiti ito sa madla. He snapped his fingers, vibing to the music. He started singing and he was good at it.
Every time you hit my line, I pick up the phone
You're around even when I'm alone
Ain't gotta persuade, I'm into it
You know, you ain't gotta tell me, baby I'll do itSwabe lang ang pagkanta niya. Bawat liriko dinadama niya ang pagkanta.
Let me ease, your mind, your soul, your body cater only to
You, you're mine, ain't fucking with nobodyAt the same time that I was caught up in his baritone voice, I was distracted by the fact that he looked awfully familiar.
Sino ba to...
"Wooooh! Tropa namin yan!" Nabalik lang ako sa hustyo nang may sumigaw. Natigilan ang lalake sa pag kanta.
Ngumisi ito at natawa. "Shout out to my bros at the back!"
Naghiyawan sila kuya kasabay nang pagpalakpak ng mga tao.
"Nae lika dito upo ka" Tawag ni kuya.
"Bat tulala ka jan? Ayos boses ni Owie noh? Uyyy si Renae." kantyaw ni Naffy. Di ko pinatulan pangaasar niya. Tumayo naman ang kaibigan nila kuya para makadaan ako. Umupo ako dun sa gilid ni kuya.
"Hello, you must be Renae, I'm Do—"
"Kaibigan niyo yun?" Tukoy ko sa lalakeng kumakanta.
"Uyyy. Interesado siyaaa~" I instantly regret asking because Naffy teased me more.
"Dox, kapatid ko nga pala." pakilala sakin ni kuya sa kasama naming hindi ko pa nakikilala.
"Yeah hi I'm Dox." Walang gana nitong sabi at uminom ng ice tea yata. Ang sungit naman neto?
"Yeah hello, I'm Renae." Ginaya ko ang tono niya para mangasar. He scoffed.
"Hahahaha" tawa ni Naffy samin.
"Nakita niyo kanina si Renae? Parang pinana ni kupido. Titig na titig kay Owie! Naku Rene, pare kapatid mo na love at first sight!" Nangasar pa siya lalo.
"Hindi ah!"
Ibinalik ko ang tingin sa lalake sa entablado. I swear he does look familiar. Hindi ko lang matanto kung saan ko ba siya nakita...
BINABASA MO ANG
In Pursuit of Passion
Teen FictionBound by broken starts, music becomes the foundation of their friendship, hopes, and struggle. Heavily influenced by indie/OPM artists 🎶 Support local, mabuhay ang OPM! 🇵🇭 TEEN-FICTION || TAGLISH ON-GOING