Kabanata 4
Dalawang araw na ang nakalipas mula nang napadpad ako dito.
Panay lang naman ang linis ko dito sa unit nila kuya dahil wala rin naman akong ibang magawa. Di naman sa makalat yung unit nila, nasanay lang ako. Hobby ko rin kasi sigurong mag linis.
Walang masyadong ganaps nung mga nakaraang araw at taong-bahay lang talaga ako. Madalas ako lang naiiwan dito sa unit dahil may trabaho si kuya at may pinagkaka-abalahan naman tong si Naffy.
Matapos kong magwalis, umupo ako sa sofa. Nasa kabilang dako si Naffy na nanunuod lang ngayon ng netflix.
"Ano yan?" Tanong ko. Mga nakapula na jumpsuit at nakasuot ng kakaibang maskara ang nakikita ko sa tv.
Bumaling siya saglit. "Di mo to alam??"
Umiling ako kaya pinagtawanan niya ako. "Saang ilalim ng bato ka ba nakatira kaya hindi mo to alam?"
"Ano nga kasi yan?" Nakita ko sa screen na nagbabarilan yung mga tauhan. Mukhang action movie ito.
"Money Heist! Grabe, ang sikat kaya nitong series sa internet." nakanguso niyang sabi habang di iniiwas ang tingin sa tv.
"Ah okay. Di naman ako mahilig mag-internet" I shrugged him off at nakinuod nalang.
"Hoy girl, introvert ka ba??"
Natawa ako sa sinabi niya. "Hindi naman. Di lang ako mahilig"
"Susss. Ganun din yun. Wag mo sabihin wala kang twitter?" umiling ako.
"Oh kita mo, Instagram ba??" umiling parin ako.
"Seryoso ka??" I nodded at him.
"Hah! Facebook lang meron ka noooh" tukso niya.
"Pake mo? Wala naman masama ah" Inirapan ko siya.
Youtube at Spotify lang naman ang bet kong apps. May facebook ako pero not very active. Ayoko sa social media world dahil ayoko sa toxic.
Dinampot niya yung celphone niyang nakapatong sa center table. "Anong fb mo?"
"Bakit ba?"
"Titingnan ko lang"
Nagdalawang isip ako kung ibibigay ko ba, pero ang kulit kaya binigay ko na. "Renae Angeli Deloverjes"
"Ano to??" Nakikita kong stina-stalk niya ang facebook account ko.
"Ano nanaman?" Nag akto siyang dismayado sa account ko.
"Anime ang profile picture ampucha, ano to?! Works at Edi sa puso mo! HAHAHAHA"
Binato ko siya ng unan. "Tinatamad akong mag-update wala akong pake jan!" Malakas ang tawa niya habang kinakalikot ang cellphone niya.
Ilang saglit lang may nag notify sakin.
Nathaniel Ferdinand Cortez added you to the group chat
Sino to?? Binuksan ko ang messenger at nakitang kasali ako sa isang group chat.
Si Naffy to?? Nakilala ko lang dahil sa profile picture. "Nathaniel Ferdinand amp, anong klaseng pangalan yan"
"Mga gago talaga HAHAHA" tawang tawa siya habang nakatutok sa screen niya kaya tiningnan ko yung groupchat.
Nathaniel Ferdinand Cortez: I-welcome niyo ang member natin na alagad ng sailor moon
Maddox Andrada: Sino tong jejemon na to? (😂: 3)
BINABASA MO ANG
In Pursuit of Passion
Teen FictionBound by broken starts, music becomes the foundation of their friendship, hopes, and struggle. Heavily influenced by indie/OPM artists 🎶 Support local, mabuhay ang OPM! 🇵🇭 TEEN-FICTION || TAGLISH ON-GOING