Chapter 3

20 1 1
                                    

johan.sav

Johann Kuiper
25, at your service

24 posts|1,342 followers|556 following

I raised my brow upong seeing this guys instagram. The ENGINEER'S instagram. His photo is just an emoji of a guy with a yellow hard hat. His account is on private!

He's 25 for fuck's sake, Dee. He's not a guy with balbas, an oldie at malaking tyan because of alak. He is just a year older than me!

Maybe he just captured Manang Esther's soft heart because of his act earlier. Why do I have to deal with him in this way?!

The trip to the grocery store was fast. I bought what I just needed and immediately stormed out of the store. Buti nalang hindi gaanong madami pa ang tao. Maaga pa kasi.

“Gaano ka tagal ba 'tong i bake, Manang?” I asked Manang Esther while putting the lasagna in the oven.

“Madali lang yan. I memelt lang naman ang cheese sa taas.” she said while turning the timer on.

“Wow. It's new to see you standing there, Dee.” My brother teased as he went inside the kitchen.

I rolled my eyes at him. “Well, yeah ofcourse. Si Andi lang naman kasi ang gusto mong nakikita sa kitchen noon.”

He looked away at napansin kong namula ang tenga nya. “Noon.” He smiled bitterly.

“Kung hindi lang kasi sana brinake edi busog tayong lahat dito ng cookies nya!” Tatawa tawang sabi ko.

“Ako pa talaga nakipag break ah! Anong alam mo, huh?” Nanlilisik ang mga mata nyang tumingin sakin.

“Pake ko 'ba. Minsan lang naman kayong makitang nasa bahay noon. Lagi naman kayong out of town.” Napa irap nalang ako.

“Sana all.” He chuckled. Pinipilit nya pa akong bigyan sya kahit isang malaking slice lang. Hinawi ko lang ang malilikot nyang kamay bago pa sya maka kuha ng kutsilyo at tuluyang magslice ng lasagna.

Ilang minuto lang, natagpuan ko na lang ang sarili kong nasa harap ng mataas at kulay itim na gate. Hawak hawak ko sa dalawang kamay ang lasagna na bagong luto pa. Napatitig ako sa gate ng sandali bago bumuntong hininga at pinindot ang voice automated na doorbell na nasa gilid lang ng gate. May camera din na nasa mas mataas na parte naka kabit.

Pinindot ko lang iyon at naghintay pa ng ilang segundo, when I heard a manly voice from the voice automated doorbell.

“The gate is unlocked. Go directly to the pool area.”

Wow! Makapag utos akala mo naman taga grab food ako naghahatid ng pagkain!

I sighed and opened the gate. Diretso akong naglakad sa gilid na parte ng bahay papunta ng pool area. Kasing laki lang din pala ng bahay namin ang bahay nya.

Nang makarating ako sa pool area, natanaw ko ang lalaking naka upo sa isang swing na parang couch. May laptop syang hawak habang may juice at toast naman sa table na nasa harap nya.

Nilapitan ko agad sya. “Uhh.. Hi?”

Dahan dahan syang nag angat ng tingin at napatigil sandali nang makita ako. Parang iniiscan nya pa ang mukha ko.

Bumaba ang tingin nya sa hawak ko at umangat ang kilay nya. “What's that?”

Ang lalim ng boses nya. Napansin ko ang medyo kulot na buhok nya at may dimples sya kahit hindi sya ngumingiti. Makapal din ang mga kilay nya at bilog ang mga mata nya. Pero mukhang mas bata sya tingnan kesa sa'kin. Baby face pa 'to. Baby face rin naman ako ah?

In the Painted Skies (The Moments) ON GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon