Chapter 2

283 114 27
                                    

Chapter 2

I don't think his true to his word.

It's been three weeks when the vacation starts and yet his nowhere to found.

He shouldn't make promise kung hindi din naman tutuparin dahil nakakafrustrate 'yun isipin hanggat di natutupad.

I decided na tulungan si Amah mag-grocery since wala din naman akong gagawin ngayon.

Wala naman kasing ginagawa dito either mag babasa, tutulong maglinis at mangabayo lang ang madalas kung gawin sa hacienda dahil bakasyon na nga.

I don't have any friends to accompany me anyway. Im introvert.

"I think this is enough, tara mi hija umuwi na tayo masyadong ng maraming tao, huh! Ang init init" reklamo ni Amah pag kasakay na pakasay sa saksakyan.

Pagkauwi pumunta ako sa kwarto para magbasa at nang magtanghali ay kumain na kaming dalawa ni Amah,

Sinabi n'yang bibisita s'ya sa kabilang hacienda para maglaro which is magsusugal sila, ayus lang naman sakin dahil matanda na at wala ng ibang pinagkakaabalahan.

Sinasama nya pa ako para hindi daw ako mainip dito, na hindi naman totoo mas maiinip pa ako doon dahil wala akong ibang gagawin kundi ang panuorin sila.

Natulog lang ako ng hapong iyon at napagpasyahang mangabayo sa burol.

Hila hila ang tali ni Atlas para itali sa puno, nang mapansin kong may paparating na pulang wrangler.

Bumaba ang driver ng pulang wrangler jeep.

"You're here, do you remember me?"

"Oo." I simply said.

The last time I remember wala syang mga hikaw sa kilay at sa tenga. He's wearing a baby blue shirt, cream color pants and white shoes.

May dumating pang dalawang wrangler jeep, pula at puti iyon. Napatingin ako doon kaya napatingin din s'ya.

"Ang kulit sabing hintayin nalang ako doon." Mahinang sabi n'ya.

Mula sa itim na wrangler jeep may bumabang dalawang lalaki at isang babae, sa puti naman tatlong babae at isang lalaki.

"Buddy!" Sigaw noong lalaki na driver ng puting wrangler. Si Colin.

Lalapitan n'ya sana kaso naunang makarating dito ang mga dumating. Humarap s'ya sa kanila dahilan para di nila ako mapansin.

Taga kabilang hacienda sila, mga apo ni Don Remulo. Kilala ko sila.

"Anong ginagawa mo dito?" Harvey asked.

"Sa talon tayo bat naiba daan mo? Alam mo naman papunta doon ah?" Gideon said.

"At saka duh? Atlas bawal dumaan dyan sa Hacienda na iyan at masungit ang Donya diyan." Hervey ang kakambal ni Harvey.

Kilala ko sila dahil naging classmate ko sila noong elementary, at ayaw ko sa ugali nila bully sila bata palang kami.

Palagi nilang sinasabi na bitter ang Amah sa lolo nila na hindi ko naman maiintindihan.

"Huh? Ba't kasama iyan?" Si Reinakie ang isa pang pinsan nila, napansin n'ya ako sa likuran ni Atlas.

"Hala ka buddy di ka uumbra sa lola nyan." Juliux na may pananakot ang banta.

"Shut the fuck up, hindi ko kayo maiintidihan, pwedi ba sinabi kona sa inyo na mauna na kayo at susunod ako doon?" Naiiritang sabi n'ya sa kanila.

"Eh sino ba kasi s'ya Atlas?" 'yong kasama nilang hindi ko kilala.

"Uuwi na ako, uhh may gagawin pa ata kayo." Akmang kakalasin ko na ang tali ni Atlas ng hawakan nya ako sa braso.

"Sama ka nalang samin," hindi s'ya tanong, na para bang sasama ako agad sa kanya.

"What? bakit mag sasama ng outsider? Atlas?" Hiyaw ng isa pang babae na hindi ko kilala.

"Shut up bitch!" Angil ni Hervey doon sa babae. "Bakit hindi ka na lang sumama samin Summer?" Tiningnan ko silang lahat, nag aabang sa isasagot ko.

"May gagawin pa ako." Sinabi ko iyon sa harap ni Atlas at tumingin sa kanila.

"At saka bawal kayong pumasok sa Hacienda na walang pahintulot ni Amah." Lalong pinahigpit ni Amah ang paglabas at pagpasok sa Hacienda dahil sa krimen na nangyari ilang linggo na ang nakakaraan.

"Eh hindi naman tayo dadaan dyan 'no," Hervey said.

"Sama kana tara." Hinila nya ako pero di ako nagpatinag.

"Atlas kung ayaw nya wag ng pilitin, tara na guys."

"Shut up bakit ba ang kulit kulit mo?" Naiinis na pahayag ni Hervey doon sa babae.

"Ayaw mo?" Tanong ni Atlas para syang pusa na nag papaawa.

"Tangina buddy ampanget mo!" Sigaw sabay batok ni Colin kay Atlas.

"Uhhh mauna ka nalang doon susunod nalang ako hahatid ko muna ang kabayo ko at doon na ako dadaan." Kahit walang balak ay sinabi ko nalang iyon para makaalis na sila dahil naiinip na ang dalawa nilang kasama.

Tiningnan nya ako ng mariin sa mata na para bang alam nyang nagsisinungaling ako, iniwas ko nalang ang aking tingin.

"Oh sige sabay na tayo." Bigla akong napatingin sa kanya na nagtataka.

"Colin ikaw na bahala sa wrangler kita nalang tayo doon. " Tinapik nya ang balikat ni Colin. "Sasabay ako kay Summer," tiningnan nya ako ng may pagdududa.

Wala na akong nagawa dahil sunod sunod na silang umalis.

"Pwedi ka namang maghintay doon para hindi kana maabala pa." Sabi ko sa kanya.

"Di ako naniniwalang pupunta ka doon, naninigurado lang ako." Sabi nya at sya narin ang nag kalas ng tali ni Atlas.

Nauna na syang sumampa sa kabayo ko. Nilahad nya ang kamay nya para abutin ko.

"Tara sakay kana sakin, I mean sa kabayo mo." He laughed. Nangunot ang noo ko pero hindi ko na iyon pinansin at sumakay na din sa kabayo.

Ako ang nasaharap at nagpapatakbo kay Atlas kaya naman s'ya nakayakap sakin, medyo naiilang ako dahil mahigpit ang yakap nya sakin na dapat naman talaga, baka mahulog s'ya pero,

Kasi inaamoy nya ako na kinaiilang ko, kung makaamoy sya sakin parang uubusin nya ako.

Ng makaratig kami sa Hacienda, nilagay ko sa kwadra si Atlas, pinakain at pinainom ko na din.

Pinuntahan ko na sya sa may bungad kung saan nya sinabing hihintayin na ako.

"Sana hindi kana nagabala, meron din naman kaming dalang pagkain."

Kinuha n'ya din ang bitbit kong pagkain nagdala na ako dahil nakakahiya naman kung wala akong ambag.

"Nakakahiya lang dahil wala naman sa plano n'yong isama ako eh." Tahimik nalang kaming naglakad.

"Anong pabango mo? Ang bango." Napalingon ako sa kanya habang naglalakad na kami papunta sa talon.

"Uh baby cologne lang." hindi naman kasi ako mahilig sa mga mamahaling pabango.

"Kaya pala amoy baby... ko." Mahinang sabi nya.

"Sa tingin ko malapit na tayo, naririnig ko na sila e." Nauna na akong naglakad punta sa talon, may mga kubo doon.

Hindi na kasi sakop ng hacienda ang lupain ng talon, ang hacienda ang pinakamadaling daanan para mapuntahan iyon kaso nga lang ipinagbabawal na ni Papa at Amah ang pagpasok ng kung sino sino lang.

Belle Notti Series: Burning DuskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon