Chapter 3

33 5 0
                                    

Chapter 3

Nakita na namin sila sa isa mga kubo doon, hindi pa sila naliligo hinahanda palang nila ang mga pagkaing dala nila ang ibang mga lalaki ay nag-iihaw.

"Tara upo na tayo do'n." Atlas pulled me.

"Nagdala ako ng pagkain." Sabi ko pagkalapit namin sa cottage.

"Sana hindi kana nag abala pa we brought enough food naman eh."Hervey.

"Uhh nakakahiya, hindi naman kasi ako dapat kasama eh kaya nagdala nalang ako para may ambag."

"Sana all nag aambag 'yung iba kasi d'yan magdadala nalang iyong hindi pa marunong makisama. Feeling close." Sabay tingin ni Geneviere sa dalawang babaeng kasama ng mga lalaki.

Then Colin came to us,

"Atlas buti hindi sumama barkada mo? Si Carmilla kumusta?" He settle himself beside Atlas.

"Buddy you don't have any chance to that amazona girl." He pick some chips and give it to me.

"Kain ka lang dito baka maya maya mag swimming na din tayo."

"Hindi naman ako mag su-swimming."

"Ha? Bakit? Hindi ka marunong lumangoy?"

"Marunong pero wala akong dalang damit."

"Eh 'di na din ako maliligo."

"Luh? Atlas parang tanga." Tumayo si Colin at sya na ang nagtuloy sa iniihaw na iniwan ng pinsan n'ya.

Someone scream kaya lumingon kami, nag uumpisa na pala sila lumangoy ang dalawang pinsan ni Atlas ay nasa taas ng talon habang ang dalawang kasama nila ay nauna ng tumalon, sila 'yung sumigaw.

"Okay lang naman ako dito Atlas."

"Rouvin. Rouvin ang itawag mo sakin dahil kabayo mo ang naaalala ko pag tinatawag mo akong Atlas."

"Pero lahat sila Atlas ang tawag sa'yo."

"Wala akong pakialam, wala naman silang alagang kabayo na may pangalan ko."

-

Napagpasyahan na din nilang umuwi nang sabihin ko kay Atlas na hinahanap na ako ni Amah dahil nag text na ito sakin.

Nakakahiyang mapapauwi sila ng dahil sakin, nagsasaya pa sila pero naudlot dahil sakin, kahit anong sabihin kong wag na nagpumilit pa rin sila dahil may gagawin din naman silang importante.

"Tara hatid na kita sa inyo." Ani Atlas.

"'Wag na, kaya ko naman ang sarili ko at malapit lang dito ang sa'min."

"Hindi baka anong pang nangyari sa'yo babae ka pa naman. Hoy hatid ko muna 'to, hintayin nyo 'ko." Paalam n'ya sa mga pinsan n'ya.

Akap akap ang mga tupperware na ginamit habang tinatahak ang daan pauwi sa'min. Huni ng mga ibon, kuliglig at mga tuyong dahong naaapakan lang namin ang marining, hindi kami nagsasalita.

Nahihiya ako para sa sarili ko dahil hindi ko kayang makipagusap sa kanya ng normal, hindi 'yung nahihiya pa akong kausapin s'ya na hindi s'ya ang nag-uumpisa ng conversation.

Katulad ni Chelsea kanina sa cottage tahimik lang kami, lumapit si Chelsea para kumain habang kumakain s'ya nakikipagkwentuhan s'ya kay Atlas.

"May gusto ka ba kay Chelsea?" I innocently asked.

"What? Who's Chelsea?" He choke on his own saliva.

"Hindi ba Chelsea ang pangalan noong kausap mo kanina?"

"Ah Chelsea pala pangalan nun. Hindi, may iba akong gusto." Aniya.

Huminto na kami sa paglalakad ng makitang nasa bungad na kami ng Hacienda. Humarap ako sa kanya,

"Salamat sa pagahatid sakin, ingat ka bye."

Nagtitigan pa kami dahil hinihintay ko syang umalis, he sighed. Defeated by me. Maybe he thinks hindi ako aalis hanggat di sya umaalis. He waved his hand, hinahatid ko ng tanaw ang papawalang bulto nya sa gubat.

"Mi hija!"

"Amah..."

"Anong ginagawa mo riyan? Halika na't baka ma-engkanto ka pa dyan."

Lumapit na ako kay Amah at humalik sa pisngi.

"Akala ko ba'y sa burol ka?"

"Kanina po. May sinamahan lang pong mga kakilala."

Nilingon ako ni Amah na nakataas ang kilay.

"Kakilala?"

"Opo."

"Osya, halika na at darating ang mga kaibigan ko galing Manila." Nauuna nang maglakad si Amah kasunod ako.

Pagkapasok sa Bahay inutusan agad ni Amah ang mga tauhan na ihanda ang hapag kainan para sa darating na bisita.

"Amah, dito po ba matutulog ang mga kaibigan nyo po?" I asked. Balak ko sanang tulungan mag ayos ang mga kasambahay sa ng mga kwarto since I don't have anything to do.

"No, dadalaw lang sila, mag ku-kwentuhan lang kami, matagal tagal na rin ang huli naming kwentuhan." Aniya.

Busy-ing busy ang Amah sa hapagkainan gustong gusto ni Amah na perperto ang lahat lalo na kapag may mga bisita s'yang dumarating.

Umakyat nalang ako sa kwarto since wala rin naman akong gagawin.

I stopped, I was sure that my lights in my room are close. I wasn't kind of leaving my lights on.

I was hesitant to open the door, I almost had a heart attack when I saw who was in my room.

His back is facing me. He's was busy checking my books.

"Paanong nakapasok ka dito?" He turned his body and put back my book in shelf.

"Are you gonna be a doctor?"

"Paano ka nakapasok? Mahigpit ang mansyon."

"Now you know that your security are not effective, eh?"

"Paanong naka akyat sa kwartong ito na hindi nahuhuli? Siguradong mahuhuli ka kung sa ibaba ka dumaan kaya... paanong nakapasok ka dito? Sagutin mo ang mga tanong ko."

"Oh?" He turned his head, where in the veranda, you can see a big tree at may dahon dahong nahulog sa sahig ng veranda.

Mabilis akong pumunta sa kinaroroonan ng veranda para tingnan kung gaano kataas ang inakyat nya.

"Mataas ang veranda na ito buti hindi ka nahulog?" Lumingon ako sa kanya na ngayon ay nakaupo na sa aking kama.

"Well, gusto kita-"

My eyebrow arched. Waiting for him to say more.

"Uhh, gusto mo bang susumama samin bukas ng gabi?" He asked.

"Hindi ako pweding lumabas kapag gabi na."

"Eh 'di itatakas kita."

The door knocked. "Summer pinapatawag na po kayo ng Donya para kumain." Lumingon ako sa pinto kung bukbuksan ba nya iyon.

Then I turned to him who is sitting pretty in my bed like a king who doesn't mind his surroundings.

"Hindi ako sasama, ngayon palang tayo nagkakilala."

"I don't take no for an answer." He smiled then stood from bed and walked to the veranda.

"See you tomorrow then, Adios." He saluted and jump through the tree.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 20, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Belle Notti Series: Burning DuskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon