CHAPTER 4

239 9 0
                                    

"Ano?" untag ni Sara sa pananahimik ni Dara.

"O, saan naman iyang agency na sinasabi mo? At saka bakit may alam kang ganyang agency? Kumuha ka na ba ng serbisyo ng escort?"

"Aba, bigla akong in-interrogate! Gaga! Nakalimutan mo na ba na tatlong pinsan ko ang kalahi ni Darna? At kapag nagkukuwentuhan kami, nababanggit nila sa akin ang bagay na iyan. At ba't naman ako kukuha ng escort? Eh, may Seuhyun na ako." Nakapamewang na sabi ni Sara.

"My God! Sabi ko na nga ba, mga bading lang ang gumagawa ng bagay na-"

"Hey, don't talk that way! Makakasagasa ka ng bading, ano? May mga babae rin namang nagha-hire ng escort."

"Iyong mga matronang nalulungkot." Pakli ni Dara.

"Gaga! Meron ding mga kaedad natin, ano? And maybe, they do it for their own reasons. Kagaya mo, kailangan mo ngayon ng serbisyo ng isang escort boy, but it doesn't mean na dahil gusto mong magpakama sa kanila. So, don't be judgemental, okay?"

Natigilan si Dara, may katwiran ang kaibigan.

Baka may babae ring kagaya niya ang kailangan ng date at wala ng panahon para humanap ng matinong lalaki.

"Ano? I'll arrange the meeting kapag nakahanap na ako ng-"

"P-pag-iisipan ko pa."

"Gaano katagal?"

""M-mga one week."

"Asus! Matagal iyon, ha?"

"H-hayaan mo na. Two months pa naman bago dumating sina Zico."

"Okay, sinabi mo, eh."

Nag-isip nga si Dara. Pero mas madalas, negative ang kanyang pasya.

*I'm not that desperate, okay?* nasasabi niya sa sarili kapag naiisip na hindi niya kailangang bumaba sa ganoong level.

At habang nag-iisip si Dara, sinimulan na rin niyang magpa-make-over. Nagpa-parlor siya, nagpa-rebond, nagpa-facial, etcetera.

At least, negatibo man ang kanyang maging pasya, baka sakaling may lalaki nang lumapit sa kanya na nakahihigit kay Zico.

Pero may isang pangyayari na magtutulak sa kanya na kagatin na ang idea ni Sara.

CLAIM HER BODY AND SOULTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon