CHAPTER 18

215 9 1
                                    

And so, she trusted him.

Sa nakaraang anim na araw na hatid-sundo si Dara ni Jiyong, laging nagkakandahaba ang leeg ng mga tsismosa sa kanila, particular si Demonia.

“Sa tingin mo, iyan na ang lalaking pakakasalan ni Dara?” tanong ng may-ari ng tindahan sa tapat nina Dara.

“Sa palagay ko, hindi.” Wika ni Demonia na kunwari ay bumibili, pero ang totoo, sinisipat na naman nito ang BMW na nakaparada sa tapat ng bahay nina Dara.

“At bakit mo naman nasabi iyan?”

“Dahil naniniwala akong si Zico pa rin ang mahal ng babaeng iyon.”

“Bilib din naman ako sa iyo, ano? Alam mo, sa tingin ko, kaya ka ganyan, hanggang ngayon ay nanghihinayang ka pa rin na hindi si Dara ang naging asawa ng anak mo. Kumpara nga naman kay Viona, aba, kahit na sino ay magsasabing mas maswerte si Zico kung si Dara ang naging asawa niya!”

“Oo nga! At kahit na modelo ang manugang mong si Viona, mas maganda pa rin sa kanya si Dara. At mas mayaman pa!”

Sa huli, si Demonia ang napipikon sa usapang iyon.

Usapang nakakarating din pala kay Dara dahil sa tsismosa niyang katulong na siyempre ay sa kanya kampi.

“Sinabi niya iyon? Huh! Tignan mo nga ang matandang iyon, ang lakas ng ampog para sabihin na mahal ko pa rin ang anak niyang manloloko! Sino bang siraulo ang magmamahal ng lalaking ganoon? Sa ginawang pangtataksil at pagpapahiya ng anak niya sakin sa harap ng madaming tao, magagawa ko pang mahalin ang lalaking iyon hanggang ngayon?! She can kiss my ass! But my love for his son is already vanished in a thin air!” nangangalaiti na sabi ni Dara.

“Haaay naku Ate! Masyado lang talagang feeler iyang si Aling Demonia. Akala niya po kasi hindi ka na makakahanap na mas hihigit ng dalawampung kagwapuhan kay Zico-manloloko, kaya kung ano-ano na lang e-tsini-tsismis!” ani Mosa.

“Kapag talaga ako hindi nakapagpigil, isasabit ko talaga iyang bruhang matandang iyan katabi sa mga CCTV para naman may pakinabang ang pagiging tsismosa… kasama nung mga alipores niya! Ang daming alam, ehh!”

“Hahahaha… paano ba naman Ate, ang lupa may tenga at ang balita may pakpak, kaya ganurn, pak na pak ang ka tsismosahan!” nakapamewang pa na sabi nito.

Napapailing na lang si Dara dahil sa tinuran ng kanyang katulong.

*Kung magsalita akala mo hindi din siya isa sa mga tsismosa, eh!*

“Huwag na nating intindihin ang mga iyon. Basta ngayon, masaya na ako kay Jiyong.” Wika ni Dara kay Mosa habang nag-aagahan siya.

“Talaga po Ate? Sabagay, ang guwapo naman talaga ni Kuya Jiyong eh at sobrang bait pa.” Nangingiting sambit nito.

“Sinabi mo pa!”

Pero ang totoo, namo-mroblema na si Dara.

Tapos na ang anim na araw na bayad niya kay Jiyong, pang-pitong araw na ngayon at Linggo pa.

Oo nga’t may pambayad naman siya sa serbisyo nitong limang libo isang araw, pero hindi lang ang kanyang bulsa ang nasasaktan, kundi pati ang kanyang pride.

*Buti pa, lie-low na lang muna ako kay Jiyong. Tatawagan ko na lang uli siya kapag darating na sina Zico. Next month pa siguro ang dating ng mga iyon. Ang mahalaga, alam na ng mga tsismosang tagarito na may nobyo na ako. Pwede sigurong paminsan-minsan na lang ako magpasundo sa kanya para—*

Napatigil sa pag-iisip si Dara ng marinig niya na tumunog ang doorbell.

“Mosa, tingnan mo nga kung sino iyon.”

“Yes po, Ate.”

Itinuloy na ni Dara ang pagkain.

“Ate, si Kuya Jiyong a.k.a Adonis po andito.” Kinikilig na wika nito.

“H-ha?” gulat na napalingon siya rito.

“Babe!” bigla siyang tumayo at sinalubong ng yakap si Jiyong.

“Tamang-tama ang dating mo, nag-aalmusal na ako.” aniya habang nakayakap dito.

“Really?” Humigpit naman ang yakap nito sa kanya. “Sige, pakain.”

“O-okay.” Kaya naiilang na kumalas na siya pagkakayakap nito. “Have a sit.”

“Thanks.”

“Mosa, ikuha mo ng pinggan si Kuya Jiyong mo.”

“Opo, Ate.” Kinikilig pa rin na sabi nito.

Nang lumabas ng kumedor si Mosa ay sinita niya ang binate.

“Why are you here? Hindi ba’t sinabi ko sa iyo kamakalawa na tatawagan na lang kita kapag—”

“It’s Sunday today, right? Magsimba tayo sa simbahan dito.”

“P-pero—”

“It’s okay, hindi naman ako maniningil, ano? Naisip ko lang kasi, mas maganda kung makita uli nila na magkasama tayong magsimba, hindi ba?”

“K-kasi—”

“I’ve told you, it’s okay. Basta makikikain na lang ako sa inyo, ha? Okay na ako roon.”

Napangiti siya, pero sinikap niyang palisin agad sa kanyang mga labi ang ngiting iyon.

Hindi siya dapat matuwa na palilibrehin ni Jiyong ang isang araw nito.

Baka may hilingin pa itong kapalit maliban sa makikikain.

Anyway, pumayag na rin siyang magsimba sila ng araw na iyon. Mas maganda nga na makita ng mga tagaroon na magkasama uli sila sa simbahan.

Lalo na ni Demonia.

Pero nang magpaalam na si Jiyong ng gabing iyon, mahigpit ang bilin niya rito na huwag na muna siyang pupuntahan sa mga susunod na araw.

CLAIM HER BODY AND SOULTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon