CHAPTER 41

237 9 1
                                    

Marahan siyang nagbangon kahit nadarama pa ang sakit ng katawan. Pagkuwa’y nagsimula na siyang magbihis.

Nang makapagbihis na si Dara ay saglit niyang tinitigan si Jiyong na mahimbing na natutulog, tila may ngiti pa sa mga labi.

(Kahit ilang anak, bibigyan kita, and it’s for free. Just be mine! Be mine! Your body and soul, be mine…)

Napakislot si dara sa kudlit ng alaalang iyon.

*What do you mean by that, Jiyong? Bakit mo nasabi iyon? Did you really mean it?*

Pero dahil tulog si Jiyong, wala siyang makakamit na sagot.

Isa pa, natatakot siya sa isasagot nito.

Paano kung… na in love na pala sa kanya si Jiyong?

Ah, kailangan na niyang umalis, baka kapag sinabi nitong mahal na siya nito ay maniwala ang kanyang puso at agad na sagpangin ang pag-ibig nito.

Pero hindi ba’t ito ang gusto niya? Ang mahalin din siya nito? Ang tugunin ang pagmamahal niya?

Yes! But she can’t imagine being his wife!

Paano niya haharapin ang pagtatawa ng lipunan?

Paghusga at balik na sumbat ni Zico sa kanya? Matapos niyang sabihin dito that he’s better than him, sa lahat ng aspeto?

Kung ang totoo, ay isang hamak na escort boy lamang si Jiyong?

Mangingibabaw ba ang kanyang pagmamahal sa lalaki o ang takot na matamong kahihiyan… ulit?

CLAIM HER BODY AND SOULTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon