CHAPTER 10

210 8 0
                                    

"You can go home na after you drink your coffee." Pabulong niyang wika kay Jiyong.

"Ha? Bakit naman?" pabulong din nitong tanong.

"Obvious ba? Alas-diyes na ng gabi, ano?"

"Ah, oo nga pala." Ngumisi ito.

Gustong mainis ni Dara. Mukhang at-home na at-home sa bahay niya ang gwapong kolokoy.

"Ate, eto na po ang kape ni Oppa." Tila kinikilig na wika ni Tsisa nang pumasok sa sala dala ang tasa ng kape.

"Oppa?" nakakunot noong tanong ni Dara.

"Opo, Kuya po sa Korean. Hehehe" nakangising sagot nito.

"Haaays naku Tsisa! Ayan kanunuod mo ng K-Drama eh." Naiiling na sabi ni Dara. "Sige na, pakilapag na riyan ang kape. Matulog na kayo ni Mosa."

"Eh, hindi po ba isasara ko pa ang gate pag-alis ni Oppa?"

"Ako ng magsasara."

"Sige po, Ate. Goodnight!" saka ito tumingin kay Jiyong. "Goodnight po, Oppa." Sabay finger-heart sign.

"Goodnight!" natatawang sagot nito.

Kinikilig na nagtatakbo ito patungo sa silid nila ni Mosa.

Napaface-palm na lang si Dara dahil sa kabaliwan ng kanyang katulong.

Nang mawala na sa paninigin nila si Tsisa ay sinenyasan na niya si Jiyong na ubusin na ang kape.

"Sandali! Mainit, eh."

"Basta bilisan mo!"

"Ikaw naman, matapos mo akong i-display sa mga tao rito-"

"Ssshh, ano kaba? Huwag ka ngang maingay! Basta ubusin mo na iyan at inaantok na ako."

"Oo na!" natatawa na lang na sinimulan na nitong higupin ang kape sa tasa.

She watched him while drinking his coffee.

Ah, bakit ba kahit na anong kilos nitong gawin, nalulugod ang kanyang puso?

At kailangan niya ng cover-up para hindi ito makahalata.

"O, tama na iyan. Halika na, ihahatid na kita sa gate."

"Oo na! Kuh! Pinatagal pa ako rito, iyon pala, itataboy lang akong parang tuta."

Hindi na lang niya sinagot ang mahinang bulong nito na bahagya lang niyang naulinigan.

CLAIM HER BODY AND SOULTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon