CHAPTER 26

203 10 0
                                    

Naghintay si Dara, alam niyang aakyat si Jiyong para tuparin ang pangakong hihilutin ang kanyang talampakan.

At isipin pa lang na hahawakan nito ang kanyang talampakan, nakikiliti na siya.

“Dara...”

“H-ha?” gulat na napadilat ang dalaga.

“Masakit pa ba ang ulo mo?” humakbang ito papasok at naupo sa gilid ng kama.

“Ah, o-oo.” nauutal niyang sagot.

“Sige, hihilutin kong talampakan mo, kakapain ko iyong nerves mo roon na kunektado sa-”

“S-sandali!”

Pero naroon na sa bandang paanan niya ang binata at hawak na ang kanyang paa habang nakaupo sa dulo ng kama.

Wala na siyang nagawa nang kalungin nito ang kanyang binti at sinimulang hilutin ang kanyang talampakan, tila may kinakapa, may hinahanap.

At nang matagpuan iyon ay sinimulan ng hilutin ang dulo ng hinlalaki.

Napapikit si Dara, gusto niya ang ginagawa ni Jiyong, may ginhawang nadarama ang kanyang katawan, animo milagrong napapalis ang sakit ng kanyang ulo.

At dahil talagang puyat, hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya.

At nanaginip si Dara.

Yakap daw siya ni Jiyong, at ngayon ay magkalapat ang mga labi nila.

Yes, nahalikan na siya ni Jiyong noon kapag naggu-good night kiss sa kanya, pero kakaiba ang halik na iyon.

Kahit sa panaginip lang naganap, pakiwari niya ay totoong-too ang nagaganap.

Parang magkalapat talaga ang mga labi nila, dama niya ang init ng mabango nitong hininga, ang init ng malapad na dibdib, nalalanghap niya ang mabangong cologne na gamit nito…

And it’s wonderful, it’s like magic, at parang ayaw na niyang matapos ang mga sandaling iyon.

Para kasing totoo.

*Jiyong, I love you…* bulong ng kanyang puso.

“Jiyong!”

Bigla siyang nagmulat ng mga mata, nag-iisa na siya sa kanyang silid, wala na si Jiyong.

*Panaginip lang pala.*

Nakadama ng panghihinayang si Dara, at walang hanggang pananabik na sana ay magkatotoo ang halik na pinagsaluhan nila sa kanyang panaginip.

CLAIM HER BODY AND SOULTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon