Obsession 05

6.9K 139 0
                                    

Yvienne

Bumalik kami sa hotel para maghanda daw,pumayag na lang akong maging date nya mamayang gabi kaysa naman sa matulog ako sa labas,ang galing nyang magbanta.

I was wearing a dirty red dress na medyo kita ang legs ko at tinernohan ko ito ng white flat shoes.

Lumabas ako mula sa kwarto,nakita ko syang nakaupo sa isang silya,sinulyapan nya ako mula ulo hanggang paa,"bat ang lagkit ng tingin mo?,"tanong ko sa kanya.

"Change your clothes,"utos nya sa akin.

"Ano bang problema sa suot ko bagay naman ah?,"nakataas kilang na tanong ko sa kanya.

"Just change your f*cking clothes woman damn it,"kahit mahina lang ang boses nya alam kong galit na sya.

Kaya wala akong nagawa kundi ang magpalit,pinalitan ko ng white long sleeve dress na abot hanggang talampakan,pinalitan ko rin ng black sandal yung sapatos na gamit ko kanina.

Muli akong lumabas sa kwarto,"much better,"pati ba naman pananamit ko kailangang sa kanya pa nakadepinde hindi yata okay yun.

Tumayo na sya at nauna ng naglakad palabas ng room namin,grabe hindi yata nya alam ang salitang gentlemen,sumunod nalang ako sa kanya.

Sumakay kami sa sasakyan nya papunta sa lugar kung saan gaganapin ang party na sinasabi nya.

Nakarating kami sa isang exclusive building,kusa ko ng binuksan yung pintuan ng sasakyan nya nakakahiya naman sa kanya kapag hinintay ko pang pagbuksan nya ako.

Pumasok kami sa building at madami naring bisita,kung hindi ako nagkakamali ang party na ito ay para sa mga business man.

"Mr. Falcon nice to see you here,"isang matandang lalaki ang lumapit sa puwesto namin ni Mr.Falcon pero ang bastos talaga nya dahil nilagpasan nya lang ang matanda habang hila hila ako.

"Ang bastos mo naman wala kang galang sa matatanda,"sambit ko sa kanya na dahilan para mapatigil sya at marahas nyang binitiwan ang kamay ko.

"You don't know anything kaya huwag kang magsalita,"ang daling uminit ng ulo nya.

"What do you think Mr. Falcon papasa na ba sayo ang design ng building,"nasa isang sulok kami ng building kasama ang engineer ni Mr.Falcon.

Ayon sa pagkakarinig ko magpapatayo ng isang resorts si Mr.Falcon,"I don't like the exterior design,I want to make the interior space to be wider."

"But we don't have enough space to make it wider,"saad ni Mr. Engineer hindi ko alam ang pangalan nya kaya Mr.Engineer nalang.

Nabobored na talaga ako dito at uwing uwi narin,sana pala hindi nalang ako pumayag na sumama sa kanya,"just do what I want or else wala kang trabaho bukas,"napakabossy talaga nito.

Maghintay ka lang makakahanap karin ng katapat mong animal ka.

Nagpaalam na yung engineer kaya natuon naman sa akin ang pansin nya,"oh problema mo?,"tanong ko sa kanya.

"Jacob?,"isang magandang babae ang biglang sumulpot sa puwesto namin,maganda sya may hubog ang pangangatawan nya at may laman ang dibdib nya.Kung dibdib lang naman ang pag-uusapan may laban din ako sa kanya.

Ang lagkit ng tingin nya kay Mr. Falcon aty kung hindi ako magkakamali tingin yun nang naglalandi.

Ang sarap sabunutan ang impokritang babaeng to,hindi pa sya nakontento ay niyakap nya pa si Mr. Falcon.

Malandi...

Hindi ko naman dapat maramdaman ang ganito dahil alam ko sa sarili ko na nagseselos ako.

Obsession Series 01:His Probinsyana GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon