Yvienne
Tulad nga ng sinabi ni Lara sila na ni Shiena ang nagsilbing tour guide ko rito sa Tagaytay,madami kaming pinuntahan na lugar na pwedeng pasyalan.
"Thank you talaga sa pagsama sa akin,"kahit unang araw ko palang rito sa Tagaytay,may naging kaibigan na ako and it was great.
"Ano ka ba kanina ka pa nagpapasalamat,kunting bagay lang naman ito and besides para narin kaming namamasyal rito kahit ilang beses na kaming pumunta rito,"niyakap ni Lara ang isang braso ko at ganun din sa Shiena sa isa pang braso ko.
"Tama nga yun,kaya tara na sa mall at magshopping naman tayo,"yun nga ang ginawa namin,nagshopping muna kami bago bumalik sa hotel kung saan kami naglalagi.
Pagkapasok namin sa hotel sinabi ko kina Lara at Shiena na mauna na silang umakyat sa room nila.
Kakausapin ko nalang ang manager ng hotel na kung pwedeng ipadala nalang ang dinner ko sa kwarto ko mamayang gabi,and I'm very thankful dahil pumayag naman ang manager.
Hinintay ko ang pagbukas ng elevator nang maramdaman ko ang isang nakakatakot na aura sa likuran ko kaya napalingon ako.
It's was the guy who suddenly shouted at the lounge noong umaga,he was looking at me coldly kaya napabaling nalang ulit ako sa elevator.
Pagbukas na pagbukas ng elevator agad akong pumasok at sumunod naman sya,pinintod ko ang floor kung saan ako titigil.
Napatingala ako sa ilaw dahil bigla bigla nalang namamatay,kinabahan ako ng biglang tumigil ang elevator sa pag-akyat sa destinasyon ko.
Bigla itong gumalaw pababa kaya naman hinablot ko yung braso ng lalaki at pumikit.
Alam kong nagoover react ako pero lagi akong kinakabahan lalo na kapag alam kong mataas ang lugar na kinaroroonan ko.
Pakiramdam ko kasi maya maya lang hihiwalay na yung puso ko sa katawan ko dahil sa takot.
Bigla namang bumalik yung ilaw pero hindi parin umaandar yung elevator.
Dahil narealize ko yung ginawa ko ay agad akong humiwalay sa pagkakayakap sa braso nong lalaki.
Pero nanlaki ang magkabilang mata ko dahil hinablot nya ang dalawang kamay ko at itinaas ito, inatras nya ako hanggang sa maramdaman kong wala na akong aatrasan pa.
Sinubukan kong alisin yung kamay ko at nagpupumiglas pero masyado syang malakas na kahit isang kamay nya lang ang nakahawak sa dalawang kamay ko ay hindi ko pa matanggal.
"Let me go,"matigas na pagkakautos ko sa kanya pero parang wala syang narinig dahil mas lalo nyang inilapit ang katawan nya sa katawan ko hanggang sa tuluyan kaming magkadikit,"I can sue you for doing this do you know that?."
"Do it,"matapang na sagot nya pabalik sa akin,nanginginig na ang mga tuhod ko at nakakasigurado akong kapag binitiwan nya ang kamay ko ay maglulumpasay ako sa lapag ng elevator.
"Ano bang kailangan mo?do I know you?,"tanong ko sa kanya,ngumisi lang sya na parang nasiyahan sa tanong ko.
"I want you,"direktang sagot nya sa akin at inilapit ang bibig nya sa taynga ko,"my name is Jacob Falcon,and whether you like it or not you're going to be mine,you belong to me."
"I'm not belong to you Mr. Jacob Falcon and I will never belong with someone like you,"mas lalo syang ngumisi dahil sa sinabi ko,pakiramdam ko tumaas lahat ng balahibo ko sa katawan ko dahil bigla nyang hinipan ang taynga ko.
Parang kinukuryente ang katawan ko dahil nakakaramdam ako ng kiliti sa tuwing nararamdaman ko ang hangin na nagmula sa kanya,"you're going to be mine Miss Valliente."

BINABASA MO ANG
Obsession Series 01:His Probinsyana Girl
Ficción GeneralWARNING: This contains matured scenes not suitable for very young audiences. Read at your own risk. R+18(Complete)