Obsession 22

5K 131 2
                                    

Yvienne

Kinaumagahan  hindi ko inaasahang bibisita si Tito Christopher,madami syang buhat buhat na laruan.

Sinabi nyang laruan daw yun ni Jacob noong bata pa sya,"thank you lolo,"saad ni Kael nang matanggap nya ang laruan na para sa kanya,hindi din nya nakalimutang kayapin ang grandpa nya.

"This one is very lovely kid while the two kid are very cold,"natatawang sabi ni Tito.

Sumang-ayon naman ako doon,napakamasiyahing bata ni Kael pero sakitin kaya maingat ako sa kanya.

The triplets are very connected to each other kapag nagkasakit ang isa sa kanila magkakasakit naman yung dalawa,kung iiyak yung isa iiyak din yung dalawa.

"Mom,gotta go,"pagpapaalam sa akin ni Dawn,hinalikan ni Dawn ang pisnge ko bago sya umalis.

"Mom saan pupunta si Kuya?,"tanong ni Ezekiel habang nakatitig sa daang nilakad ni Dawn.

"His going to the school baby,"Ezekiel and Dawn become close to each other na hindi ko inaasahan.

"Can I go there too?,"tanong nya sa akin.

"Okay baby,let's visit your brother there tomorrow,"umaliwalas naman ang mukha nya,ginulo ko nalang yung buhok nya at sinulyapan ang maglolo na masayang naglalaro..

Hinayaan ko silang maglaro sa sala at tumulong nalang akong magprepare ng breakfast naming lahat,"hay naku ma'am kami nalnag dito."

"Ano ba kayo parang hindi naman nyo ako kilala,"hindi ko sila pinansin at ako na ang naghugas ng mga ginamit naming materyales sa pagluluto,"nahanda nyo na ba yung lamesa?."

"Opo ma'am,"tumango ako.

"Sabihan nyo na yung tatlo pati si Tito Christopher na kumain na muna bago muling maglaro,"utos ko na agad naman nilang sinunod.

Naghugas ako ng kamay bago nagpunas,"kumain narin kayo,yayain nyo na si manong Arthur para makakain na."

Si manong Arthur ang nangangala sa harden dito sa bahay.

Iniwan ko yung mga katulong sa kusina,pumasok ako sa dinning room at nakita kong pinaglalaruan ni Kael ang pagkain nya,kaya tinapik ko ang kamay nya para itigil ang ginagawa nya,"don't play with the food Kael it's not good."

Maiiyak na sya dahil sa pagsermon ko and he can't stop himself but to cry kaya umiyak narin yung dalawa,"I'm sorry babies,"niyakap ko si Kael para tumahan na sya.

Ilang segundo lang ay tumigil na silang umiyak kaya taimtim akong nagpasalamat,"momhie I'm sorry,"nakalabas ang ibabang labi ni Kael.

"It's okay baby,just stop playing with the food,"sabi ko sa kanya,"may bata noon na kasing cute mo,"I started to make an story,"and he always playing with his food one day,a fairy grandmother punished him for being a playful kid,he became a food at ipinaranas sa kanya kung paano mapaglaruan."

"Momhie I don't want to be a food cause kuya Ezhe will eat me,"pinisil ko ang maliit pero matangos nyang ilong,"I won't play my food anymore."

Ngumiti ako at hinayaan na silang kumain tumabi ako kay Tito Christopher na nakangiting nakatingin sa amin,"you are really good in story telling."

"Kailangan po para huwag na nilang ulitin ang alam kong hindi maganda para sa kanila."

Hinintay ko muna na makatulog yung apat bago ako lumabas ng bahay,I'm going to Dark's bar dahil may ibibigay ako sa kanya.

Nalaman ko din na wala sya sa bar nya sa Tagaytay kaya baka nasa main bar sya ngayon.

"Magandang gabi mo Ma'am,"pagbati ng guard sa akin,kaya binati ko sya pabalik at tuloy tuloy na pumasok.

Obsession Series 01:His Probinsyana GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon