Sa bawat pagpatak ng ulan sa labas ng silid-aralan, ingay ng mga estudyante sa paligid, mga estudyanteng abala sa paglalaro, abala sa kung ano anong kolerete sa kanilang mga mukha at buhok, mga estudyanteng tulad ko na nasa isang sulok lamang.
Paano ba maibabalik ang panahon na akin ka pa?
Paano maibabalik ang panahon na magkasama tayong dalawa?
Paano maibabalik ang panahon na masaya tayo sa isa't isa?
Paano nga ba?Malalim ang iniisip ko habang nakatingin sa labas ng aming silid-aralan nakatitig sa ulan na unti-unting pumapatak.
"Nae, tara na" sambit ng aking kaibigan na nag aaya na papunta sa cafeteria
Tumayo ako at kinuha ang payong sa aking bag at sabay na isinakbat iyon.
Nakalabas na kami ng aming silid aralan at ngayon ay andito na kami sa cafeteria.
"Nae, anong sa'yo?" wika niya
"Ito nalang" turo sa isang frappe at carbonara.
"Sige" sambit niya sabay punta sa counter
Hay, kay bilis ng panahon. Mahabang panahon na ang dumaan pero ang puso ko'y nasa kanya pa rin.
Umupo sa harapan ko si Rie at naaaninag ko sa kanyang mukha na para bang nagtataka kung bakit ako ganito ngayon.
"Nae ayos ka lang ba?" tanong niya habang nakatingin sa akin
"Ayos lang naman ako-- hindi ko nga lang alam kung masaya ba" sagot ko sa kanya sabay sipsip sa frappe na inorder niya.
"Tungkol pa rin ba ito kay Ken?" tingin nya ulit sakin na para bang iyon nga ang dahilan
"Ang tagal ng panahon Nae, siya pa rin ba?" dugtong niya sa akin
"Siya parin." maigsing sagot ko sa kanya
"Tss" dineretso niya nalang ang pagkain niya ng inorder niyang spaghetti.
Tumitig ulit ako sa labas ng cafeteria, huminga nang malalim, at nag isip.
Mahabang panahon na ang dumaan Ken, bakit ikaw pa rin ang laman ng isip at puso ko?
Akala ko'y wala na. Ngunit habang naaalala ko ang mga nangyari sa atin lalo na habang umuulan.
Naaalala ko yung panahon na masaya tayo.
"Babe, doon tayo sa may upuan sa may puno" sambit niya sabay kapit sa aking kamay.
"Hanggang dulo tayo babe ha" biglang sabi niya.
"Oo naman, tayo pa" masiglang sabi ko at bigla niya akong kiniliti
"Papakasalan pa kita" dagdag niya habang nakangiti
Isa sa mga masasayang ala- ala natin noon.
Na hindi na mauulit ngayon."Sorry Nae, doon muna tayo sa labas, bawal raw dito sabi ng doctor" mangiyak ngiyak na sabi ng mommy mo
Iyak ang mapapakinggan dito sa labas kung saan inooperahan si Ken.
Matapos ang dalawang oras, lumabas ang doktor sa kwarto
"Mrs. Evora, Mr. Evora" tawag niya sa mga magulang ni Ken
Lumapit din ako bahagya para malaman kung ano bang nangyari.
"Wala na po. Hindi na kinaya ng katawan ng inyong anak ang malakas na pagtapon mula sa kanyang sasakyan sa digdig"
"Condolence" dag dag nitoSumandal ang mommy ni ken sa kanyang asawa at humagulhol ito.
Tila ba'y nadilim ang buong paligid, hindi ko alam kung anong nangyayari.
Hindi ito totoo. Hindi.
Tumakbo ako palabas ng ospital at hindi nagpadala sa malakas na buhos ng ulan.
Umiyak nang umiyak. Iyan lamang ang gusto kong gawin.
Bakit? Bakit ito nangyari sa'yo Ken?
Hindi ba may pangako tayo sa isa't isa na magpapakasal tayo. Na tayo hanggang dulo.Patuloy ang paghagulhol ko sa ulanan nang biglang nandilim ang buong paligid at hindi ko na alam kung anong nangyari.
Nagising ako na nasa aking kwarto.
Umuulan sa labas.
Ken, i miss you.
Walang ganang tumayo ako at kinuha ang damit na puti.
Ngayon ang kantang libing.
Masakit. Sobra.Puno ng iyak ang naririnig sa paligid.
Nagsalita ang kanyang mga magulang at iba pang kamag anak.
Tinuro ako na magsalita pero hindi ko kaya. Iyak lamang ako nang iyak. Hindi ko na alam ang gagawin ko kundi iyon.Mahal, paalam.
"Nae, bakit hindi mo ginagalaw yang frappe at carbonara?, lalamig yan" sambit niya
Nagising ako sa hwusiyo at pinunasan ang muntik nang tumulong luha sa aking mga mata.
Nawawalan na ako nang ganang kumain.
Limang taon na ang lumipas
Ken, miss na miss na kita.
Kung nasan ka man ngayon sana masaya ka.
Huwag kang mag alala sakin, okay lang ako dito.
Mahal na mahal kitaKung pwede nga lang ibalik ang panahon.
Kung pwede lang sana.
Pero wala. Wala na.______________________________________
______________________________________
💝