OSS9- His Name

4 1 0
                                    

April 20, 2020
Wednesday Night.
Andito kami ngayon buong pamilya sa lamesa, kumakain ng hapunan.

"Kei, paabot ng kanin" utos sa akin ni papa.

Agad ko iyong iniabot sa kanya.

Natapos ang hapunan namin at ingay na ng mga plato at kutsara ang naririnig ko habang naghuhugas ako ng plato.

Buti na lamang at kakaunti itong huhusagan ko, nahugasan ko na kasi kanina yung mga ginamit pagluluto.

Pagkatapos ko maghugas ay nagtoothbrush na rin ako at nag half bath para fresh pag tumulog.

Kinuha ko ang cellphone ko at humiga na sa kama, nagscroll scroll muna ako sa facebook bago matulog.

Scroll.

Scroll.

Scroll.

Inaantok nako.

Nagdasal muna ako bago matulog kasi iyon ang turo sa akin simula palang noong bata ako.

UhMmMm

"Keiiiiii!!!!" sigaw ng mama.

"Po?"

"Bumili ka muna ng gatas sa dos panglahok sa spaghetti" utos sa akin ng mama.

Binigyan ako ng pera tsaka kinuha ang susi ng motor.

Lumabas na ako ng bahay para umalis.

Habang nasa daan ako parang napapabilis ang takbo ng aking sasakyan.

Papaliko na ako noon nang may paparating ba bike, hindi ko nakita.

Bigla akong nagpreno at tumigil muna.

Napatigil rin sya at sabay kaming napatingin sa isa't isa

"Omygad, sorry po" saad ko

Mukha pa naman tong masungit paktay.

"Tumingin ka kasi sa dadaanan mo." malamig na sabi nito sabay alis na.

Bwisit na toh. Ang sungit. Pasalamat siya gwapo siya!

Nakauwi na ako sa amin dala ang dalawang alaska condensed.

Hanggang ngayon iniisip ko pa rin yung lalaking muntik ko ng mabangga kanina. Bago ba siya dito? Bakit ngayon ko lang siya nakita?

Habang kumakain ako ng spaghetti sa may harap ng tv, biglang may mga dumating. Alam ko naman na mga pinsan ko lang iyon.

Ngunit may mga di pamilyar na boses akong narinig.

"Ate sino yung dumating?" tanong ko

"Mga kasama ng nanay Belen, si Mark tapos yung kaibigan ni Mark na nag sleep over ata sa kanila" sagot niya

Bakit ko ba yun pinapakialaman? Hmp.

Lumabas na ako sa kusina para ibalik ang mga pinagkainan ko at para uminom.

Nagulat ako nang makita ko yung kasama ni Mark. Siya yung muntik ko ng mabangga kanina. Oh shit.

Napatingin rin siya sa akin pero umiwas ako.

Bumalik na ako sa may tv para ipagpatuloy ang pinanonood ko.

Maya maya'y may narinig akong mga hakbang papunta ata dito.

Si Mark at yung kasama niya. Hindi ko naman kilala.

"Wassup Kei, ano yan?" tanong ni Mark sa akin

"The Light Behind Her Eyes, movie" sagot ko sa kanya.

"Kei ilan taon kana nga?" tanong niya ulit sa akin

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now