OSS5- Sana All Pinipili

4 1 0
                                    

Sa buhay natin, may mga pagkakataon na kailangan nating pumili. Sa pagkain, sa ating galaw, sa damit na susuotin araw-araw. Sa taong mamahalin natin.

Paano naman ako makakapili kung lahat sila hindi manlang ako kailanman pinili.

"Choose your partner" sigaw ng aming prof

"Ylla, partner tayo?" tanong ko sa aking katabi sa upuan

Napatingin siya sa akin at para bang tinaas ang kanyang mga kilay.

"Hala sorry may parter na ako e" umismid siya at kinuha ang cellphone sabay punta sa dereksiyon kung nasaan si Mey.

Hays sino pa kaya. Tumayo ako para makita kung sino ang wala pang partner. Ngunit nabigo ako noong napagtanto ko na 37 nga pala kami sa klase. May labis na isa. At ako iyon

"Ms. Lopez ano pang tinatayo tayo mo jan? Sino ang kapartner mo?" mukhang galit na tanong ng aming prof.

"Ma'am wala po akong partner. 37 po kami sa klase" sagot ko

Matapos noon ay pinapunta ako sa partner na sina Jo at Perl, pinagrupo niya ako sa dalawang impakta na toh, grr.

Observation 1-- check!

Ilang beses pa kaya ako hindi mapipikli, malungkot na tanong ko sa aking sarili.

Habang papalabas ako ng aming classroom ay nakasalubong ko ang isa pa naming prof na may sasabihin sa akin

"Nayn, punta ka sa office after break mo, may ibibigay ako sayo" ngiting sabi niya

Ngunit--

"Hi ma'am," bati ni Vien kay ma'am.

Nginitian niya ito pabalik sabay--

"Vien wait lang ha-" sabi nito sabay tingin sa akin

"Nayn, huwag ka na pala pumunta, si Vien nalang" wika nito sabay tingin ulit kay Vien

Ngumiti naman ako bago pa nito iharap ang kanyang ulo kay Vien.

Observation 2--- check!

Dalawa na. Ambilis hAh.

Kahit ganoon ay nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang makarating sa cafeteria, papasok na sana ako nang bilang--

"Miss wait lang, papasok pa siya oh" harang niya sa akin sabay turo kay Kyla

Pagkapasok ni kyla sa cafeteria, ngumiti yung guard sa akin sabay bukas ng pinto at sinabing pumasok na raw ako.

Kabadtrip si kuyang guard.

Observation 3--- check!!

Pagkapasok ko ay umorder na ako ng carbonara at apple juice, matapos iyon ay umupo ako mag isa sa solo table sa may sulok.

Antagala naman ng order ko kaya't kinuha ko ang cellphone ko upang magbukas ng messenger.

Binuksan ko ang conversation ng aming internet group of friends.

Nagtanong ang isang admin roon kung sinong free na mag check ng attendance, agad naman akong nagchat. Dalawa lang kaming nagreply roon ngunit

'Ysa ikaw nalang'

Nakakainis naman. Ako ang unang nagchat e.

Observation 4--- Check!!

Tumingin ako sa waitress na papunta sa may direksiyon ko dala dala ang carbonara at apple juice.

Hay salamat makakakain narin.

Ngunit lumiko siya papunta pa roon sa loob na loob.

"Hey miss, diba order ko yan?" tanong ko sa kanya kaya't napalingon siya habang nagtataka.

"Ma'am doon po ito kay sir na nasa dulo" sabi niya sabay ngiti.

Bwisit naman.

Observation 5-- check!!

After 123456789 years dumating din ang pagkain ko, matapos kong kumain ay dumiretso ako sa classroom dahil may klase kami ng alas tres.

Natapos ang klase nang biglang sumigaw ang isang pamilyar na boses sa room namin

Napatingin ako sa direksiyong iyon at napagtanto na si Gab yun, iyong crush ko.

"Ylla! Pumarito ka! Samahan mo ako sa altar" biro nito.

Tumili naman ang aming mga kaklase at napabulong naman ako.

"Sana all"

Tapos na ang klase kaya't uuwi na ako, habang naglalakad ay may nakita akong bench kaya umupo muna ako

"Kailan kaya ako mapilili, pwede bang may pumili naman sa akin ngayon?" Bulong ko sa sarili

"Miss," nagulat ako at nakita ang matandang babae sa harapan ko

"huwag mong madaliin ang mga bagay na iyan, hindi porke hindi ka pinipili ngayon ay wala nang pipili sa iyo sa hinaharap. Masyado pang maaga, maghintay ka" dagdag niya,

"Pwede bang kahit ngayong oras na ito may pumili sa akin?" tanong ko

Napapikit naman ako at pagkamulat ko ay tila hangin nalang ang naroroon, nawala iyong matanda.

"Miss ang ganda mo, sa akin kana lang oh, masarap ako" sambit ng medyo may katandaan ng manong,

Aabutin niya na sana ako nang tumakbo ako

Binilisan ko ang pagtakbo ko nang biglang naalala ang hiniling ko kanina

'Pwede bang may pumili naman sa akin sa mga oras na ito'

Omygad, ayoko naaaaAa heeeLPpp,

"Sabi ko nga po maghihintay nalang ako ng tamang panahon na may pumili sa akin" bulong ko sa sarili ko habang tumatakbo pa rin.

"Heeelllppp" bulong na sigaw ko

Napaligwas ako sa aking kama.
Tama. Hindi dapat minamadali ang lahat, kasi kung mamadaliin, pangit ang kalalabasan.

Hindi ka man pinili ngayon, May mas magandang pagkakataon na pipiliin kana.
Sa tamang oras. Tamang panahon. Tamang pagkakataon

______________________________________
______________________________________
💓

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now