OSS4- Asymptotic Destiny

4 1 0
                                    

(Before reading this one shot, this story is inspired by "Our Asymptotic Love Story by Binibining Mia" This story is ORIGINAL from the writer.) (ps- present, pt-past)

Umibig kana ba nang hindi naaayon sa tadhana?
Taliwas ang ating nararamdaman sa takbo ng tadhana.
Sa plano ng tadhana.
Na ikaw ay hindi, at hinding hindi magiging sa akin.
Kahit lumipas ang maraming taon.

"Good Morning World, Good Morning Philippines, Good Morning Mama!" bati ko sa aking ina pagkababa ko ng hagdan

"Bilisan mo na at ika'y malalate, 7:30 ang start ng klase mo" seryosong sabi ng mama ko kaya't kumain ako nang mabilis at naligo na

Dumating ako sa paaralan na puro ingay ng estudyante dahil sa pagmamadali rin. Hindi ko alam kung anong meron.

"Hoy hoy Jas, anong meron? Bakit kayo nagmamadali, at san kayo pupunta?" tanong ko kay Jas.

"Kasi ano" huminga muna siya ng malalim dahil sa pagod sa pagtakbo
"Dumating yung paborito kong singer na vlogger" wika niya

"huH, sino?" takang tanong ko.

"Si Zander" maikling sagot siya saka bigla siyang hinila nung isa naming kaklase

Agad kong sinundan ang mga kaklase ko at iba pang estudyante patungo sa gym ng aming paaralan.

Zander? Hindi ko siya kilala nvm.

Sa sobrang dami ng tao sa gym. Hirap akong makipagsiksikan hanggang sa makarating ako sa may bleecher at may space roon kaya doon nalang ako umupo.

Nagsigawan ang mga estudyante kaya't napatayo ako sa aking kinalalagyan.

Zander.

Hindi nga maikakaila ma may hitsura ito at  Maganda ang pangagatawan

Nagsimula siyang kumanta, kumanta habang sumasayaw at kinausap ang mga fans niya roon.

"I will choose one student." sabi niya kaya't nagsigawan ang lahat

"Ang tatawagin ko ay makakaduet ko rito sa unahan"

Lumakas ang hiyawan ng mga ka school mates ko

"Iyon!" turo sa dito sa may bahagi ng aking kinauupuan, maraming tumingin sa bahaging ito at yung iba naman na malapit dito at nagsigawan.

"Siya!! Iyong naka Stripes ng kulay mint green".

Nabigla ako at napatingin sa suot kong blouse.

Stripes na kulay mint green.

Omy!.

Ako?. Tumingin ako sa paligid ko at wala na akong nakitang ibang naka stripes na mint green

"Wag kanang magpalingon lingon, halika dito sa unahan" sambit nila

Tinulak ako ng mga katabi ko at nagsisigawan ang iba ng SANA ALL.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Ni hindi ko ito kilala.

Maganda naman ang boses ko pero nahihiya ako

Sinalubong niya ako at hinawakan ang kamay para makaakyat.

"What's your name?" paunang tanong niya

"Ah--Ehh-- Zyrah po." iyon lamang ang aking nasabi.

"ilang taon kana?" sunod niyang tanong

"nineteen po" sagot ko

"Marunong ka bang kumanta?" sunod niya ulit na tanong

"Medyo po."

"Okay na yan, alam na naman siguro ang gagawin mo dito diba" tanong ulit nila

Tila nangyari na ito. Hindi ko alam kung kailan. At kung saan.

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now