OSS3- DayDreamer

6 1 0
                                    

Humuhuni ang mga ibon sa labas ng kubo namin. May mga nasa taas ng kubo, yung iba narito sa mga punong malapit.

"Jona, tawagin mo na ang tatay mo, kakain na tayo ng tanghalian" sambit ng nanay ko kaya napatingin ako sa kanya sabay takbo sa tatay ko na nasa palayan

"Tay!!!" sigaw ko.

Napatingin naman siya sa akin

"Kakain na daw po sabi ni inay" pahabol kong sigaw

"Sige papariyan na ako" sagot ni tatay

Inaayos ko na iyong mga plato sa aming kahoy na lamesa at inilagay naman ni inay ang mainit at mabangong ginataang gabi at pritong isda sa lamesa.

"Kamusta ang ani ng mga palay?" tanong ni inay kay itay

"Kakaunti ang naani ngayon dahil sa bagyo noong nakaraang buwan, siguradong lugi tayo rito" malungkot sa sagot ni itay

Natapos ang aming tanghalian at niligpit ko ang mga pinagkainan sabay lagay nito sa aming kawayang lababo.

"Ate, ako na ang maghuhugas!" pagrerepresenta ng aking kapatid na si Lette.

"Sige, pupunasan ko lang itong lamesa" kinuha ko yung basahan sabay punas sa aming lamesa.

Lumabas ako sa aming kubong bahay at pumunta sa upuang kahoy sa may ilalim ng puno.

Kay sarap pagmasdan ang mga puno dito sa bukid 
Kay sarap damhin ang sariwang simoy ng hangin

"Jona, lets go mahuhuli na tayo sa klase!" yaya ng aking kaklase na si Eley

"Sige wait a minute, ayusin ko lang itong buhok ko" sabi ko habang inaayos ang aking buhok

Pumasok kami sa aming malaming na classroom dahil sa dalawang aircon nito.

Akala namin ay kami na ang huli ngunit--

"Oh to the em to the G" masayang sabi ni Eley na katabi ko lamang

Napatingin ako sa pintuan at pumasok ang tatlong kung tawagin ay hearthrub dito sa aming paaralan

"Ang gwapo talaga ni Jace" kilig na sambit ni Eley sabay hampas sa akin

Hindi ko na sila sasalungatin, gwapo nga iyong tatlo. Ngunit para sa akin, si Alexis. Siya ang gusto ko. Ngunit hindi ko ito sinasabi kay Eley.

Natahimik bigla ang buong klase nang pumasok ang prof namin

After ng klase, palabas na sana kmi ng classroom nang--

"Jona, Eley!" tawag sa aming dalawa ni Jeff

Napalingon kami sa kaniya habang kasabay niya si Alexis at Jace

"Bakit?" takang tanong ko

"Sabay na kayo sa amin mag lunch" yaya ni Jace sa amin

Halatang kinikilig si Eley ngunit tinatago niya ito

"Jona dito ka." seryosong sabi ni Alexis sabay turo sa upuang nas tabi niya

"Ako na ang oorder" sabay na sabi ni Eley at Jace, at sa huli, pareho silang umorder

"Ayos ka lang ba?" seryosong tanong ni Alexis sa akin

Oo syempre ayos lang ako andito ka eh

Yan sana ang sasabihin ko pero di ko itinuloy

"Oo" maikling sagot ko

Pagkatapos naming kumain ay nagyakag si Jeff sa kanilang tambayan

"Wag na, baka may puntahan pa sina eley" sambit ni Jace

"Hindi. Wala kaming pupuntahan" agad naman na sabi ni Eley

Nakarating kami sa tambayan ngunit noong uupo na ako, bigla akong hinigit ni Alexis sa ibang direksyon at umupo sa halos walang taong lugar

"HmM, bakit mo ako dinala rito?" tanong ko sa kanya

"Gusto ko lang malaman mo Jona na-- Gusto kita" sambit niya sabay hinga ng malalim

May gusto akin? Si alexis?

"ah eh--" may sasabihin pa sana ako nang

"Ateee!!!! Anuba? Kanina ka pang tawag ni inay!! Tulungan mo raw siyang mag hirang ng bato doon sa bigas"

Hays. Hanggang isang daydream ka lang Alexis. Kay sarap mag imagine. Kay sakit na rin

"Oo eto na papunta na" takbo ko sa may labas ng aming bahay para tulungan si inay na maghirang ng bato

Habang nasa labas kami--

"Magandang tanghali po Manang Helen" gulat akong tumingin at napansin kong si Alexis ito

"Magandang tanghali rin Alexis, sino iyang kasama mo?" tanong ni inay

May kasama siyang magandang babae, mukang kasing yaman niya, kay ganda ng hubog ng katawan

"Si Maxene po, girlfriend ko po" masayang sagot niya

"Kay gandang binibini, magandang tanghali sa iyo" sambit ni inay

"Magandang tanghali rin po, salamat po" sagot ni Maxene sabay ngisi

"Sige po mauuna na po kami sa bahay" paalam ni alexis sa amin

Hay. Hanggang pangarap lang kita alexis. Hanggang isang Daydream lang kita. Hanggang doon lang. Ititigil ko na ito. Masakit na. Tama na.

______________________________________
______________________________________
💚

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now