H a w l a

16 0 0
                                    


Ayaw ko nang mabuhay sa alaalang mahal kita.
Dahil mahal, kahit mahal pa kita.
Gusto ko nang bumitaw,
Bumitaw sa higpit ng yakap mo na pinoprotektahan ako laban sa ginaw.

Ayaw ko nang sabihin sayo, ang mga katagang "i love you" at "mahal kita".
Datapwat gusto na lang sabihin na, "mahal malaya kana".
Oo tama ka.
Malaya kana, pinapalaya na kita.

Kase kung noon ay sobrang mahal kita.
Ngayon ay mahal pa rin pala kita.
Oo mahal pa rin kita.
At akala ko'y nang araw na palayain kita ay makalalaya na rin ako.
Pero nagkamali ako.

Dahil nang makita kitang muli.
Bumalik ang lahat.
Nabuksang muli ang aking sugat.
Sugat na ikaw ang may gawa.

Ikaw nga ba talaga? O ako?
Ikaw ba dahil hindi mo nakita ang aking halaga?
O ako.. Ako na minahal ka ng sobra?
Kaya't pati sa sarili ko'y wala ng natira.

At ngayon ko lang napagtanto.
Na nagkamali ako.
Nagkamali ako sa pagpili ng taong palalayain ko.
Dahil hindi pala dapat ikaw.

Na sa ating dalawa ay dapat pala ako.
Dapat palang sarili ko yung pinalaya ko.
Dahil sa ating dalawa ay mas nakulong ako. Nakulong ako sa alaala na mahal mo pa ako, na masaya pa tayo.

Nakulong ako sa isang hawla.
Hawla na tayo ang laman,
Hawlang iyo ring tinakasan.
Tinakasan at tinakbuhan.

At ako? Andito, iniwan mo.
Andito't patuloy na naghihintay sayo.
Baka sakaling bumalik ka pa.
Baka sakaling maisip mo na ako'y mayroon pang halaga.



Inner Chaos.Where stories live. Discover now