Mahal Kita

3 0 0
                                    

"Mahal kita" bagay na ipinararamdam sayo sinta,
"Mahal kita" bagay na iyo lamang ipinagsawalang bahala.

Mahal kita.. Kaya patuloy na lumalaban.
Lumalaban kahit pa ako'y masaktan,
Lumalaban.. Kahit pa ako'y iyong iwan.

Mahal kita.. Kaya patuloy na sumusugal.
Sumusugal sa bagay na wala namang kasiguraduhan,
Sumusugal.. Kahit pa alam nang talo sa laban.

Dahil mahal, kaya kong itaya ang lahat,
Basta ikaw lang yung dahilan.
Kaya kong ibigay kahit ano,
Basta ikasasaya mo.

Ako'y susugal hanggang dulo,
Tatakbo, hanggang mapunta sa puso mo.
Dahil gagawin ko lahat,
Para sa iisang dahilan.
At yon ay dahil mahal kita,
Sana naman ay iyong madama.

Inner Chaos.Where stories live. Discover now