P a g b i t a w

4 0 0
                                        

(So this is one of the spoken words that i wrote, and i know that it's super long but still, i made one and i wanna show it to you guys.. so i hope that you'll like it. Even though it's unspoken because it's in a book. Hehe love you<3<3)

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Kung ano na ang nararapat sa sarili ko. Kung lalaban pa ba, o susuko na.

Kung mananatili pa ba, o iiwanan kana. Kung susugal pa ba, sa hamon ng tadhana.

Kung magpapatuloy pa ba, o tatapusin ko na talaga. Tatapusin na, ang ugnayan nating dalawa. Ugnayang unti unti nang nawawala. Ugnayang nawawalan na ng saya.

Ugnayang nagkakaroon na ng distansya, Ugnayang puputulin kona. Kahit mahirap ay aalis na, aalis hindi dahil gusto ko,
Ngunit aalis, dahil mas nararapat ito.

Nararapat na mawala na ang tayo,
Nararapat na ako'y lumayo na sayo.
Nararapat, na hindi na paniwalaan ang mga pangako mo, dahil kahit anong gawin mo, alam kong mapapako lahat ng salitang binitawan mo.

Dahil alam kong wala nang pag asa. Pag asang ako'y mamahalin mo pa, pag asa, pag asa na may ikaw na babalik pa.

Dahil alam kong pagkatapos nito, ay makalalaya ka na. Makalalaya mula sa pagkakagapos. Makalalaya dahil sa wakas, relasyon natin ay natapos.

Pero sana naman bago ito matapos,
Bago ko tuldukan ang relasyon na di na maaayos,
Hayaan mo akong ipakita sayo. Ang mga bagay na gusto kong iparamdam sayo.
Bagay na kahit alam kong wala lang sayo,
Ay pilit kong pinapakita ang halaga nito.

Parang ako, na kahit wala lang sayo,
Pilit kong pinapakita ang pagmamahal ko,
Laging sinasabi na "mahalin mo rin ako!"
Na "mahal, pahalagahan mo rin ako!"
Kase sobrang mahal kita, kase sakin ay sobrang mahalaga ka.

Pero tama na, dahil masakit na. Dahil pait ay sobra sobra na, ako'y sawang sawa na.
Sawa nang ipakita na may halaga ako.
Sawa nang iparamdam ang pagmamahal ko sayo!

Kaya kahit sobrang mahal kita,ahit sobrang mahalaga ka.
Ako'y bibitaw na,
Ako'y susuko na.

Dahil ako'y pagod nang tumaya.
Dahil sa wakas, tanggap ko na,
Na hindi na ako yung mahal mo.
Na hindi moko minahal sa tanang buhay mo.

Kaya mahal paalam, ito na ang aking pagbitaw, kaya na kitang matanaw. Na sa paglubog ng araw, hindi na ako yung sinabihan mo ng "mahal, hindi ako bibitaw."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 21, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Inner Chaos.Where stories live. Discover now