Tula 1

17 1 0
                                    

PATAWAD

Patawad kung ako'y iyong palaging nakikita
Patawad sapagkat ika'y aking naaabala
Patawad kung ako ay nakakairita na
Nagkakaganito lamang ako kapag ikaw ay nandiyan na.

Patawad kung ako'y palaging nakatulala
Sa tuwing naaalala ang mukha mong kaaya-aya
Tila ako ay nabato-balani na
Sa tuwing tayo ay magkasalubong sa kalsada.

Ano ba ang meron sa'yo na kahit si kupido ay nalalamangan mo?
Marami namang mas gwapo pa kaysa sa'yo
Pero ang mga mata ko ay nakatutok lang talaga sa'yo
Mukhang hindi ko na kailangan pa si kupido
Dahil noon pa lang, tinamaan na ako ng paghanga sa'yo.

Patawad sa lahat-lahat ng mga nagawa ko
Alam kong lahat ng ito ay napansin mo
Pangako ko sa sarili ko
Hinding-hindi na ako lilingon pang muli sa'yo.

Tula Para SayoWhere stories live. Discover now